^

PSN Opinyon

Tips para maging malinaw ang mga mata

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Noong nakaraang linggo, tinalakay ko ang mga sakit sa mata na karaniwang dumadapo sa mga edad 40 pataas, ngayon, mga tip naman kung paano magiging malinaw ang mga mata.

l Kumain nang maraming gulay at prutas lalo na ang mga berdeng talbos ng gulay dahil mayaman ito sa anti-oxidants, vitamin A, C, E. Subukan ang carrots, kahel, kangkong, kamatis, kamote, manga at melon.

l Kumain ng isda na mayaman sa omega-3 fatty acids­ tulad ng tamban, tawilis, dilis, hito, hipon, salmon, alumahan, tuna, tambakol, tanigi, tulingan at salinyasi.

l Magsuot ng sunglasses para masala ang ultraviolet A at B rays.

l Sa pagtatrabaho, magsuot ng eye protection glasses kung may gagawin na delikado sa mata.

l Huwag manigarilyo.

l Ipagamot ang mga sakit tulad ng high blood, diabetes at alamin ang sakit sa pamilya.

l Magpa-check-up ng mata. Kung edad 40 pataas, kailangan kada 2-4 taon, sa edad 60 pataas kada 1-2 taon.

Narito naman ang tips sa may-edad na malabo ang mata:

l Liwanagan ang mga ilaw sa bahay para hindi madapa.

l Lakihan ang sulat sa mga gamit at telepono.

l Lagyan ng mga colored tapes sa hagdan para hindi mahulog.

l Kailangan ang saksakan o electrical outlet at switches ay nakikitang mabuti.

l Uminom nang tamang dami ng tubig para maiwasan ang dry eyes.

40 PATAA

VITAMINS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with