^

PSN Opinyon

Ang mawalan ng preno ay walang respeto sa buhay

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Responsibilidad ng nagmamaneho ang kalagayan ng sasakyan. Bago magmaneho tungkulin niya na i-check kung gumagana ang preno, ilaw, busina, wipers, manibela, gulong at iba pang maselang parte at fluids ng sasakyan. Takda ‘yan sa Land Transportation and Traffic Code of the Philip­pines ng 1964 (Republic Act 4136). Miski sa practical exam sa pag­kuha ng driving license, pinapansin ng Land Transport Officer kung ang examinee ay umikot muna sa sasakyan para tingnan ang gulong at ilaw, tinapakan ang preno at silinyador, at itinuwid ang mirrors bago i-start ang makina. Simple ang rason diyan: Ang sasakyan ay makina na walang sariling isip, kaya nasa kontrol ng nagmamaneho na inaasahang alam ang batas at may pahalaga sa buhay at kaligtasan sa daan.

Apat na magkakasunod na araw noong Pebrero nang-araro ang mga sasakyan ng naglalakad na tao. Sa Manila, inatrasan ng SUV ang anim na pedestrians at inipit sa pader ng gusali; patay ang isang babae. Anang driver nalito siya; silinyador ang natapakan imbes na preno. Kinabukasan sa Baclaran, nanagasa ang kotse ng 16 na nasa-tabing daan; sugatan lahat; walo ang malubha sa ospital. Anang nagma­maneho nawalan siya ng preno. Kinabukasan muli sa Makati binangga ng jeepney ang mga batang pinatatawid ng traffic aide sa pedestrian lane; anim ang sugatan, isa ay namatay ora mismo. Anang tsuper mabagal naman siya pero hindi kumagat ang preno sa basang kalye. Pero kita sa traffic CCTV na nilampasan niya ang kotseng huminto para pagbigyan ang mga bata, nag-counterflow sa kaliwa, binangga ang mga tumatawid, saka lang pumreno bago tumama sa poste. Sabi ng mga saksi, kung walang preno e bakit siya huminto? Nakadroga at walang lisensiya ang tsuper, nabatid ng pulis. Sumunod na araw sinagasaan ng rumaragasang bus ang nakahintong tricycle; tatlo nasaktan. Anang driver nawalan siya ng giya.

Gasgas na palusot na ang nawalan ng preno o giya o kontrol. Marami ay dose-dosena na ang traffic violations pero nakalalaya pa.

vuukle comment

PRENO

SASAKYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with