Abiso sa aktibidad ng Taal dalasan
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2020 - 12:00am

Walang kasiguruhan kung hanggang kailan magtatagal ang pag-aalboroto ng Taal. Anang mga eksperto sa PHIVOLCS posibleng tumagal ng pitong buwan bago ito tuluyang humupa o magbigay ng mas malaking pagsabog.

Sa ngayon, habang isinusulat ko ang kolum na ito, med­yo kalmado ang bulkan matangi sa paminsan minsang pagbubuga ng usok. Ngunit sabi nga ng PHIVOLCS, huwag kampante. Batid ng naturang ahensya ang ugali ng bulkan base sa mga nakalipas na pagsabog nito. 

Maaaring ilan sa mga residenteng inilikas ay nagngi-ngitngit sa galit lalo na yung mga hindi mabalikan ang mga inaalagaang baboy, manok o kabayo na pinagmumulan ng kanilang kabuhayan. Pero in fairness sa pamahalaan, ginagawa lang nito ang lahat  para iligtas ang madla sa kapahamakan. Kaya, limitado ang ibibigay na oras sa mga residenteng inilikas upang bumalik sa kanilang bahay-bahay at isalba ang ano mang puwede pang iligtas gaya ng mga alagang hayop.

May mga residenteng umiyak dahil ni isang alagang hayop ay walang naisalba at ang nasisisi ay ang pamahalaan. Sana naman ay maunawaan nila na higit na mahalaga ang buhay ng tao kaysa hayop.

Dahil sa kalagayang ito ng Bulkang Taal, dapat magpalabas ng madalas na abiso ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan tulad ng PHIVOLCS. Wika nga ni Senator Francis Pangilinan, kung puwede ay magbigay ng twice a day o higit pang update ang PHIVOLCS para hindi masurpresa ang taumbayan kung may mangyari mang malakas na pagsabog. 

Tama naman siya. Higit sa mga gawaing panaklolo na puwedeng gawin, mas mabisa ang pagbibigay ng tamang impormasyon  para alam agad ng mamamayan ang mga hakbang na dapat gawin. Maiiwasan din sa ganitong sistema ang pagpapanik ng mamamayan.

“An informed people is an empowered people” anang Senador. Ayon sa PHIVOLCS,sapul nang nagsimulang magwala ang taal noong isang linggo, may 700 volcanic earthquakes na ang naitala. Manatili tayong dumalanging patuloy na humupa ang aktibidad ng bulkan at maibalik na sa normal ang situwasyon.

BULKANG TAAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with