Paano malalaman kung may sakit sa kidneys?
DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2020 - 12:00am

Parami nang parami ang mga Pilipinong nagkakasakit sa kidneys. Ang hinala ng mga eksperto, dahil ito sa pag­kain ng fast foods, sitsirya at sobrang maaalat. Kahit ang mga kabataan ay nagkakasakit na rin sa kidneys.

Nakausap ko ang tanyag na kidney specialist na si Dra. Elizabeth Montemayor at narito ang kanyang paliwanag kung paano nasisira ang kidneys:

l Tingnan ang iyong risk factors. Kung mayroon kang diabetes o high blood pressure, kailangang bantayan ma­igi ang iyong kidneys.

l Ang diabetes at high blood pressure ay nakasisira sa kidneys pagkaraan ng limang taon pataas.

l Bantayan at i-kontrol ang antas ng iyong blood sugar at blood pressure.

l Magagawa ito sa pamamagitan ng diyeta, ehersisyo at pag-inom ng maintenance na gamot.

l Huwag maghintay ng sintomas sapagkat kadalasan ay walang nararamdaman ang mga taong may sakit sa kidneys.

l Kapag may kidney failure na, humihina na ang daloy ng ihi. Huwag paabutin sa ganitong kondisyon bago magpagamot.

l Magpa-urinalysis. Makikita sa urinalysis kung may impeksyon, dugo o protina sa ihi.

l Kapag nagpositibo sa albumin o protein sa urinalysis, maaaring may sakit na sa kidneys. Magpatingin sa isang kidney specialist.

l Magpa-check ng creatinine sa dugo. Kapag mataas ang iyong creatinine level, ang ibig sabihin ay posibleng may sira na ang iyong kidneys.

l Kadalasan, tumataas lamang ang creatinine kapag may 50% damage ang kidneys. Huwag itong balewalain. Magpatingin agad sa doktor.

l Para mapangalagaan ang kidneys, bawasan ang alat sa pagkain.

l Limitahan ang protina sa pagkain. Mas kumain ng isda, gulay at prutas.

l Iwasan o limitahan ang pag-inom ng pain relievers o gamot sa kirot. Huwag lalampas sa isang linggo ang pag-inom ng pain relievers.

l Uminom ng 8-10 basong tubig bawat araw.

l Ang pinakamahalagang payo sa lahat: Uminom ng gamot para makontrol ang high blood pressure at diabetes.

l Kumunsulta sa doktor para malaman ang tamang gamutan sa kidneys.

KIDNEY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with