^

PSN Opinyon

Ano’ng depensa kontra sa modernong armas

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NU’NG sinakop ng Islamic State ang ilang lungsod sa Syria, gumamit ang mga terorista ng aerial drones. Kinabitan nila ang mga ito ng camera o kaya’y bomba na hanggang 15 kilo. Na­ging pang-espiya sa kilos ng mga kalabang sundalo, at pangwasak ng headquarters ng opisyales. Pinag-aaralan ng ilang bansa ang paggamit ng maliliit, mabibilis na unmanned aerial vehicles para salpukin ang mga kalabang fighter, bombers, troop transports at spy planes.

Meron ding water drones na panggiyera sa dagat. Maliliit ito, parang braso lang ng tao. Pakakawalan nang maramihan para kumabit na parang magnet sa ilalim ng kalabang barko o submarine. Naka-timer at location nang sabay-sabay na pagsabog ng drones. Maaring agad-agad pagdikit ng magnet sa barko. Maari ring pagdaong ng barko sa naval base, para mawasak din ang pasilidad.

Dahil sa aerial at water drones, nagbabago na ng depensa ang mga bansa. Kailangan ng pang-detect at pangontra sa epekto nila.

May bagong labas na hypersonic missiles ang America at Russia. Sobra ang bilis nito, kaya hyper ang tawag. Limang beses ng bilis ng tunog o speed of sound -- isang milya (1.6 kilometro) kada segundo. Dalawang uri ang hypersonic missiles. Una ang parang sinaunang klase, pero pinabilis ang rocket. Hindi madali iliku-liko ang uri na ito, kaya madaling ma-detect at pasabugin ng kalaban. Pangalawa ang conventional rocket, pero humihiwalay ang warhead na taglay ng boost glide. Para itong munting jet, kaya tinawag na hypersonic glide vehicle (HGV), na sa liit at tulin ay mahirap kontrahin.

Dahil sa tulin ng HGVs, hindi na kailangang kabitan ng sumasabog na warheads. Kinetic energy lang, o lakas ng bagsak dahil sa bilis, ay makakapinsala na. Isang kilo lang ng kahit ano, pulbos ang kalaban.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

DRONES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with