Si Speaker Cayetano at ang Kongreso
NAKAKAGULAT ang pinapakitang sipag ng mga kongresista sa pamumuno ni Speaker Alan Cayetano, dahil siksik at punung-puno ng good vibes ngayon ang kongreso dahil sa average na 247 ‘record high attendance’ ng mga solons sa sesyon ng kamara.
Sabi nga, ngayon lang nangyari ito!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang record-high attendance na ito ay naitala sa loob ng 18 na session days na ginawa mula Hulyo 22 hanggang September 10, ito ay batay sa opisyal na record ng House Committee on Rules. Ibig sabihin nito, matindi ang dedikasyon, disiplina at kasipagan ang ginagawa ngayon ng mga kongresista.
Maging si House De-puty Speaker Neptali Gonzales ay napahanga sa ipinapakitang dedikasyon ng mga kapwa kongresista na gampanan ang kanilang legislative duties para masiguro ang hangarin ni Digong na ligtas at komportableng buhay para sa madlang Pinoy.
Ibinida ni Gonzales, matagal na siyang nagsilbi bilang kongresista at na-ging Majority Floor Leader na rin ng kamara pero nga-yon lang daw ito nangyari na mataas ang average ng attendance ng mga kongresista sa sesyon. Kung dati, extended vacation ang mga kongresista kapag nasa-sandwich ang mga holidays,
Matatandaang 266 na kongresista ang dumalo sa sesyon noong August 13, matapos ang Eid al-Adha Day, at 259 naman ang nasa sesyon noong August 27, matapos ang pagdiriwang ng National Heroes Day.
Sa ngayon, patuloy na ang deliberasyon sa 2020 National Budget sa plenaryo natapos itong maaprubahan sa commitee level noong September 6. Kaya naman asahan na ng taumbayan na makakalusot ang pambansang badyet sa kamara bago ang October 4.
Kaya malaki ang pasasalamat ni Gonzales sa liderato ni Cayetano dahil sa pagiging hands-on speaker nito at pagsiguro na mahawakan ng mga kwalipikadong kongresista ang mga mahahalaga at malalaking komite upang masiguro na maayos ang takbo at proseso ng pagdinig ng mga ito.
Sabi ni Gonzales, kailangang kayod kalabaw ang gawin ng mga kongresista upang maisabatas ang mga priority bills ni Boss Digong at hindi na muling magkaroon ng aberya sa pag-aapruba ng pambansang badyet.
Ano sa palagay ninyo?
Abangan.
* * *
Si ‘Bato’ at ang Makabayan bloc partylist
BINATIKOS ng Gabriela si Senator ‘Bato’ dela Rosa dahil sa red-tagging ng Makabayan bloc partylist sa kabila ng mga kakula-ngan ng matibay na ebidensiya at sa gitna ng kaniyang halatang implikasyon sa mga pagpalabas ng mga convicted killers at rapists.
Isang malaking kalo- kohan na ipatanggal sa Comelec ang aming pagpaparehistro, dahil lumalampas si Bato sa hangganan ng kanyang mandato bilang senador at mahalay na lumalabag sa kasarinlan ng poll body.
Sabi nga, sobra na!
Ito anila ay kitang-kita na siya ay gumagamit ng kanyang posisyon para i-single out at i-red tag progressives sa halip na gumawa siya ng mga ma-kabuluhang batas.
Pinaaalalahanan namin si Dela Rosa upang maliwanagan ang publiko tungkol sa kanyang papel de liha este mali sa pagpapalabas pala ng mga convicted rapists at mga kriminal bilang dating Bureau of Corrections chief sa halip na ibinabato kami ng mga walang batayan at dangerous claims laban sa Makabayan at progre-sibong mga grupo.
- Latest