^

PSN Opinyon

Joymarie Cruz Dimla versus Honda Car Guiguinto

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Ito naman ang isang “sad story.” Kasi akala ni Joymarie Cruz-Dimla, dahil well-known brand ang Honda magandang kotse ang kaniyang nabili ay siguradong hindi na siya magkakaproblema agad sa paggamit nito.

Naku ha!

Last March, napansin na ni  Dimla na medyo may problema ang aircon ng kaniyang brand new car na Honda Civic RS, habang minamaneho ito sa kahabaan ng Baliuag, Bulacan.

Pero noong Abril 5, 2018, bigla na itong  nag-init.  Parang heater ang binubuga sa ventillation system galing sa kaniyang aircon kaya’t  agad-agad siyang lumabas ng sasakyan gumamit na lamang ng ibang kotse sa kaniyang pagmamadale dahil may importante itong pupuntahan.

Ikinuwento ng mga asset ng mga kuwago, noong sumunod na araw, dinala niya ang depektibong sasakyan sa kasa ng Honda Car sa Guiguinto, Bulacan. Mukhang kulang lang daw sa freon pero titingnan na rin daw nila ng isang linggo para makasigurado. 

Noong Abril 13, ayos na raw.

Pero matapos ang isang linggo, nagloko na naman ang magarang sasakyan. Kawawang may-ari,  bagong ayos na naman ang kailangan. Kaya lang  nagtaka na siya dahil  sinisingil na  ito ng P2,456 sa serbisyo kahit bagong bili lang naman niya ang  kaniyang sasakyan. Tila nga may warranty pa.

Noong  Mayo 6, pinalitan na mismo ang compressor ng kotse pero bumalik na naman siya sa casa noong Hunyo 23, dahil ganun na naman ang problem. 

Ano ba iyan?

Matapos ang isang buwan napagalaman niya na may kapabayaan sa huling paayos nang sasakyan. Nalaman din ni Dimla na isinangguni na ang problema ng kaniyang tsikot sa malaking planta ng kotse sa Honda Philippines, Laguna. Oobserbahan lang daw ng tatlong araw pero hindi na niya ito nailabas sa casa.

Aba, talagang malaki tama!  Kabibili lang niya nito  noong Mayo 24, 2017  o humigit kumulang sa isang taon at dalawang buwan  at  namaneho ng 14,473 kilometers.

Napilitan na tuloy siyang magreklamo  sa Department of Trade and Industry  dahil mukhang “lemon” o depektibo ang produkto na kaniyang nabili. 

Sabi nga, si Dimla ay protektado sa ilalim ng RA 10642, o ang tinatawag nating Philippine Lemon Law.

Ayon nga sa kaniyang abogado, sa ilalim ng batas ay kasama pang standard warranty ang kaniyang tsikot, kahit gaanong ka simple ang produkto.

Ang hirap nito, alam na ng kumpanya na lemon o bugok ang kanilang binentang tsikot, pinahihirapan pa si Dimla. Kaya ngayon, sa reklamo niya, sinabi ng kaniyang lawyer na kailangan na ng “rightful compensation”  dahil sa perwisyong ginawa nito sa kaniyang kliyente.

Sabi ng reklamador, nagbigay ng decision ang DTI na pinababayaran sa Honda o pinababalik ang kanyang mga naibayad sa sasakyan. At bayaran ng respondent ang administrative fine.

Ang kautusan ng DTI ay noon pang September 28, 2018, up to now ay wala pa rin nangyayari sa may-ari ng kotse at naha-highblood na ito.

Ito ang bilin ni Boss Digong sa mga ahensiya ng gobyerno ‘Ang ayaw ko lang ay may reklamo ang tao.’

Oh, DTI, naiintindihan ninyo ba ang sabi ni Boss Digong, masyado na kasing matagal ang usapang ito. Tulungan ninyo makasingil o mapalitan ng brand new car ang bulok na kotse na nabili sa Honda, Baliuag.

Abangan.

vuukle comment

JOYMARIE CRUZ DIMLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with