^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Foreign trash, nakakapasok dahil sa mga korap sa BOC

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Foreign trash,  nakakapasok dahil sa mga korap sa BOC

MALINAW na ngayon na kaya nakakapasok ang mga imported na basura sa bansa ay dahil na rin sa mga corrupt sa Bureau of Customs (BOC). Sila lang naman ang nakaaalam kung may darating na shipment at alam nila kung ano ito. Alam nila na basura ang parating at alam nilang bawal ang pag-eeksport ng basura ayon sa Basel Ban Amendment. Mahigpit na ipinagbabawal ang pag-eeksport ng basura mula sa developed countries to developing countries.

Pero ang kautusan ay nalabag nang husto sapag­kat naging bagsakan ng basura ang Pilipinas sa matagal na panahon. At nangyari iyon dahil na rin sa matinding korapsiyon sa Customs. Lahat nang pagkakakitaan ng mga gahaman sa nasabing tanggapan ay papasukin kahit na nga ang basura. Alam nilang bawal magpasok nito pero dahil malaki ang perang sangkot, pinapayagang makalusot. Pera-pera lang ang usapan at makakalusot sa Customs.

Kung hindi pa nagalit si President Duterte sa Canada, hindi kukunin ang itinambak nilang mahigit 100 containers ng basura na naglalaman ng mga used diapers, hospital wastes at iba pang toxic na bagay na delikado sa kalusugan. Pitong taon na na­ka­tambak sa bansa ang mga basura at naibalik lamang sa Canada noong Mayo. Pinauwi ni Duterte ang ambassador doon at iba pang embassy officials dahil sa isyu ng Canadian trash. Napilitan ang Canadian government na hakutin ang basura.

Bukod sa Canada, nagdala rin ng basura sa bansa ang South Korea, Australia at Hong Kong. Nagkusa na ang South Korea na ibalik ang basura nila. Ang Hong Kong at Australia ay kumikilos na rin umano sa pagbabalik ng kanilang basura.

Inatasan na ng Department of Finance ang BOC na bumuo ng strike team para mapigilan ang pag­pasok ng basura sa bansa. Sinuportahan ng EcoWaste­ Coalition ang ginawa ng DOF. Bakit ngayon lang ito naisip ng DOF? Dapat noon pa. Sana, mawalis na ang mga korap sa BOC na pati basurang nakamamatay ay pinagkakaperahan. Huwag hayaang makapasok ang imported na basura. 

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

GARBAGE

TRASH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with