^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Lambatin ang illegal foreign workers

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Lambatin ang illegal foreign workers

DAPAT magpaliwanag ang Bureau of Immigration kung bakit umabot sa 12,000 ang mga dayuhan na illegal na nagtatrabaho sa bansa. Ang BI ang nakaaalam sa pagbuhos ng mga dayuhan at nakapagtataka kung bakit hinayaan nilang manatili sa bansa ang mga ito sa kabila na walang working permit. Karamihan sa mga illegal na dayuhan ay nagtatrabaho sa mga offshore gaming companies gaya ng casino na hindi nagbabayad ng tax. Maliwanag na niloloko ng mga kompanyang ito ang pamahalaan at masahol pa dahil mga dayuhan ang kanilang mga empleyado. Mahirap paniwalaan na hindi alam ng BI ang aktibidad ng mga dayuhan kung bakit narito sa bansa. Dapat kastiguhin ng Department of Finance ang Immigration sa nangyayaring ito. Kapag pinalampas pa ito, tiyak na darami pa ang illegal na dayuhan at sila na lamang ang makikinabang sa mga trabaho na dapat ay para sa mga Pilipino.

Kailangan din namang pakilusin ng DOF ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) upang inspeksiyunin ang mga gaming companies na nag-eemploy ng mga dayuhan. Tina­tayang 148 offshore gaming establishments ang nag-ooperate at lahat ng mga ito ay nag-eempleyo ng dayuhan. Hindi naman binanggit kung anong nationalities ang mga empleyado ng establishments pero sa isang report, sinabing karamihan sa mga ito ay Chinese.

Kamakailan, nag-viral sa FB ang isang restaurant sa Parañaque na ang siniserbisyuhan lamang ay mga Chinese. Pawang mga Chinese ang mga crew ng restaurant. Sa entrance ay may nakapaskel na Chinese characters na ang ibig sabihin ay exclusive lamang sa mga Chinese. Hindi na nabatid kung may permit ang establishment para mag-operate o kung legal naman ang pagtatrabaho ng mga Chinese. Maski sa Boracay ay may mga establishment din na ang mga trabahador ay Chinese. Namo-monitor kaya ng Deparment of Labor and Employment ang pagdami ng mga establishments na ang workers ay dayuhan.

Lambatin ang illegal foreign workers at i-deport sila. Isara ang mga gaming establishments sapagkat niloloko nila ang pamahalaan sa hindi pagbabayad ng buwis. Hindi sila dapat mamayagpag sa bansa.

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

ILLEGAL FOREIGN WORKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with