Mga isyu sa dayuhan
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - May 3, 2019 - 12:00am

AYON kay Boracay Tourism Regulatory Enforcement Unit (TREU) chief Wilson Enriquez, mga turistang Chinese ang nangunguna sa paglabag sa mga ordinansa ng isla. Nagtala ng 739 Chinese ang lumabag at namultahan. Sumusunod ang mga Koreano, 277; at mga Pinoy na 92 ang nahuli. Dagdag pa ni Enriquez, pasaway ang mga Chinese na kahit sinasabihan na ng tour guide, lumalabag pa rin.

Mabuti at mahigpit ang TREU, kahit mga taga-China pa ang lumalabag na alam natin ay paborito ng administrasyon. Mabuti na lang at walang tinapunang opisyal ng kung anu-ano, tulad ng nagtapon ng taho sa pulis sa MRT noon. Bakit kaya mga Chinese ang pinakamaraming paglabag. Sila ba ang pinakamaraming turistang bumisita sa Boracay. O pakiramdam nila, espesyal na sila sa Pilipinas?

Sa NAIA, tila ganundin ang sitwasyon. May mga ulat na sumisingit na lang ang mga Tsino sa mga linya. Dadaan pa sa ilalim ng mga harang, at magpupumilit na sumi­ngit. Nagtataka naman ako kung bakit hindi ipinababalik ng mga opisyal o tauhan ng NAIA, o ng mga pasaherong sinisingitan. Bukod sa tila sila ang bida sa bansa, hindi rin nagrereklamo ang mga Pilipino. Baka ang iniisip ay kung hindi nga tayo umaangal sa pagkuha sa karagatan, hindi rin aangal sa pila. 

Naglabas naman ng listahan ang apat na ahensiya ng gobyerno – DOJ, BIR, DOLE at Bureau of Immigration – ng mga trabaho kung saan maaaring magbigay ng special work permit (SWP) at kung ano pang mga permit sa mga dayuhan, partikular sa mga Chinese. Pinansin na kasi ang dami ng Chinese na trabahador sa bansa, na ipinagtanggol pa ng ilan, sa mga trabaho na kaya rin naman ng mga Pilipino. Kung mas mahigpit na raw ang pagbigay ng mga pahintulot, masundan naman kaya nang matagal? O ngayon lang habang mainit ang isyu? Pati mga trabaho, kailangan na ring ipagtanggol mula sa dayuhan.

WILSON ENRIQUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with