^

PSN Opinyon

Pansamantagalan

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ANG martial law ayon sa Konstitusyon ay pansamanta­lang paraan lamang para pigilin ang alin mang bantang rebelyon o insureksyon sa bansa. Hindi ito perma­nenteng ipinatutupad dahil kapag napawi na ang banta, dapat nang alisin ito.

Ngunit ang batas ay puwedeng ibahin ang kahulugan ng isang leader na ibig makapamuno sa matagal na pana­hon. Nangyari iyan noong panahon ni Marcos. Bi­nuwag ang Kongreso at humirang ng mga opisyal na kayang kontrolin ng Pangulo para pamunuan ang mga pangunahing institusyon sa bansa. 

Everything was controlled by Marcos ang he reigned for 20 years hanggang buwagin ang kanyang diktadurya ng isang mapayapang rebolusyon ng taum­bayan.

Ngayon, may martial law sa Mindanao bunsod ng pananalakay ng mga Maute terrorists sa Marawi. Sa ikat­long pagkakataon, pinalawig ito ng Pangulo na pinagtibay ng Kongreso. May mga nagpetisyon sa Korte Suprema laban sa extension na ito. 

Ngunit bigo ang mga tutol sa martial law dahil kina­tigan ito ng Kataas-taasang Hukuman kaya mananatili ang martial law hanggang sa Disyembre 31 ng taong ito.

Hindi na ito pansamantalang remedyo kundi “pansa­mantagalan.” Kapat pinalawig pa ito nang lampas sa taong ito, mukhang may nakatakdang kakaibang mangyayari. It seems history will repeat itself, gaya ng sinasabi ng lumang kawikaan.

Tumutol man tayo, tila tayo sumusuntok sa buwan­. Pero hindi nangangahulugan na dapat na lang tayong manahimik sa kabila ng mga nangyayaring ito. Iyan ang diwa ng demokrasya na hindi dapat maglaho.

vuukle comment

EBELYON

KONSTITUSYON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with