Butangerong stepdad, nakatikim sa BITAG!
BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - February 13, 2019 - 12:00am

MATAGAL nang takbuhan ng mga inapi at inabuso ang BITAG. Kahit sino pa ang magreklamo, mahirap o mayaman, tutulungan ng nag-iisang pambansang sumbungan.

Isang ina, inireklamo ang bayolenteng dating kinakasama. Kinuwento niya kung paano sila bugbugin mag-ina nitong lalaki. Ginagawang punching bag ang bata. Kinakagat at binibitin din patiwarik. Ang gusto ni Misis… manghimasok ang aming grupo.

Alangan kaming tumulong nung una dahil buwisit kami sa nagrereklamo. Bilang ina, nagdaan ang panahon, hinayaan niya lang umiral ang pagiging butangero ng kanyang kinakasama.

Sa madaling sabi, willing victim din ang ina. Hindi na dapat nagtagal ang paghihirap nila, lalo na nung bata, kung nagreklamo siya agad. Lumalabas ay kinunsinte niya pa ang pananakit sa bata. Tinago ang krimen ng putok sa buho! Ngayong hiwalay na sila, gustong maghiganti ng ina.

Ganumpaman, ‘di pupuwedeng manaig ang inhustis­yang naranasan ng kanyang anak. Lalo na nang makita namin ang kanyang pinaggagawa. Sinong magulang ang hindi mamumula sa galit? Binitin patiwarik ang paslit na parang unggoy.

Protektado ng estado ang mga bata. Hindi palalampasin ng batas at ng BITAG ang kanyang mga ginawa. Kilos Pronto, hinanting ng aming grupo at kinumpronta ang abusadong ama-amahan.

Suwerte ng loko, hindi ako kasama kaya sa telepono ko lang siya nakumpronta. Hindi pa todong hambalos ang nakuha niya mula sa akin. Nawala ang kanyang pagkasiga at naging bulate sa lupa. Maamo bigla na akala mo walang masamang ginawa. Kung saktong nagkrus ang aming landas, papatayan ko na siya ng kamera. Asahan niya, may mangyayaring ‘di maganda.

Malinaw na pananakit na ang ginawa niya sa bata. Palusot ni gago, lambing lang daw niya ‘yun. Lambing o torture?  Sinubukan kong i-profile itong kumag. Kung nagdodroga ba o inabuso siya noong bata pa. Kasi walang matinong tao ang gagawa nito sa isang batang inosente. Ang ginawa niya, mag-iiwan ng marka. Lalaki ang bata na mayroong trauma. Magkakaroon ng problema ang paglaki kapag hindi naipa-therapy.

Hindi pa kami tapos. Tututukan namin ang kasong ito hanggang sa korte.

Inapi ka ba? Inabuso? ‘Wag nang mag-atubili. Takbo na pambansang sumbungan, BITAG Kilos Pronto.

CHILD ABUSE CRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with