^

PSN Opinyon

Prosti ang testigo

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Unang bahagi)

TULAD sa maraming kaso, kailangan munang mapatuna­yang nagkasala ang akusado batay sa malinaw na ebi­den­siya. Kaya ang layunin sa ganitong kaso ay mapaniwalaan ang kredibilidad ng testigo na nakakita sa krimen. Upang mapatunayan ang kanyang kredibilidad, dapat na maganda ang reputasyon ng isang babae. Paano naman ang kaladkarin at walang magandang reputasyon sa ating lipunan? Ipapaliwanag din sa kaso ang tungkol sa patraydor na paraan ng paggawa ng krimen na nakakabigat pa sa hatol.

Ang sangkot sa kasong ito ay tungkol kina Cardo, Badong at Mando. Mga miyembro ng Integrated National Police (INP) at warden ng city jail. Si Mando ay isang preso na nakakulong dahil sa kung anong kasalanan sa batas at kasalukuyan pa lang na iniimbestigahan ang kanyang kaso. Nangyari ang insidente bandang madaling araw nang si Ramon, Lando at dalawang iba pang guard na nasa night shift duty ang nagpapasok kay Nahemiah, isang Egyptian national na dating preso at kasama nitong babae, si Vicky, sa loob ng kulungan.  Bandang alas kuwatro ng umaga, nang palabas na sa kulungan si Nahemiah at Vicky ay isinama palabas ni Cardo ang isa pang akusado, si Mando kahit walang kaukulang awtorisasyon mula sa nakatataas. Pini­gilan siya ng kapwa jail guard na si Ramon at kinumbin­sing kumuha muna ng pahintulot ng kanilang desk officer pero hindi siya pinansin ni Cardo at patuloy na pinalabas ng selda si Mando.

Nang umaga ring iyon, si Dinah na nagtatrabaho sa isang beerhouse/disco pub malapit sa presinto at ang kanyang mga kasamahan na sina Lina at Becky ay nasa kanto naman at nakatambay sa kalsada. Kakalabas pa lang nila sa disco pub at naisipan ni Dinah na dalawin ang kanyang kapatid na lalaki na nakakulong doon sa presinto. Huminto lang siya sa isang burger stand para magpabarya ng pera para maibigay niya sa kapatid.

Habang nasa burger stand, nakita niya sa center island sina Nahemia at Vicky na nakikipagtalo kay Cardo at isa pang lalaki. Namukhaan ni Dinah sina Nahemiah at Vicky dahil dating preso rin ang lalaki na nakulong sa panloloko.  Sa unang pagpapaputok ng baril ni Cardo ay bumagsak agad si Nahemiah. Dalawang sunod na putok ng baril ang ginawa pa nina Badong at Cardo. Hinahabol nila si Vicky na tumatakbo palayo at papunta sa burger stand. Sinabi ng dalawa kay Vicky na isasakay lang nila ang babae sa taxi pero nang matabihan na ang pobre ay binaril din nila ang babae at agad na tumakbo papunta sa palengke.    (Itutuloy)

vuukle comment

CRIME

INTEGRATED NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with