^

PSN Opinyon

Joenel

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

NAGING viral si Joenel Malanog, ang Engineering student ng University of Southeastern Philippines (USEP) dito sa Davao City.

Si Joenel ‘yung estudyante na naglagay ng honesty store sa engineering building ng USEP kung saan nakahilera ang kanyang mga panindang lumpia, empanada, donut, ice candy o kung ano pa man na iniiwanan lang niya kasi kailangan din nyang pumasok sa klase.

Ayon kay Joenel, sa umaga naglalako siya ng paninda at tuwing hapon naman niya iniiwan sa honesty store kung saan nakalagay ang presyo ng paninda niyang pagkain. Kumukuha lang ang kanyang mga customer ng kung anong gusto nila at iniiwan lang nila sa isang box ang bayad.

Sinabi ni Joenel na kailangan niyang magtinda upang may pantustos sa kanyang pag-aaral at upang matulu-ngan ang kanyang mga magulang at para na rin sa baon ng kanyang apat pang kapatid. 

Kahanga-hanga ang sipag at tiyaga ni Joenel. Walang question na inspirasyon si Joenel hindi lang sa kabataan kundi maging sa mga matatanda na rin.

Ngunit mas nakamamangha ang tiwala niya sa kanyang mga kapwa estudyante na hindi siya lolokohin o pagnanakawan sa kanyang honesty store.

Higit sa lahat, malaking bagay ang tiwala. Kasi kung hindi nagtitiwala si Joenel sa kanyang kapwa estudyante wala sanang honesty store.

Naniwala si Joenel sa kaibuturan ng kanyang puso na may pag-asa at may kabutihan pa sa bawa’t tao sa mundong ito.

Mabuhay ka Joenel sa pinamalas mong kabutihan at busilak na kalooban. Sana dumami pa ang katulad mo!

vuukle comment

JOENEL MALANOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with