Mga dorobo lang ang ayaw sa National ID System!
BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - August 10, 2018 - 12:00am

MATAGAL nang panukala ang magkaroon ng national ID system sa bansa. Ilang administrasyon na ang lumipas. Sinubukang isulong sa panahon ni Ramos, Estrada, Arroyo­ at Aquino… walang nangyari.

Maraming kumontra noon at maraming nabahala. Marami ang mga dahilan, ingay at mga kyaw-kyaw. Ngayong panahon ni President Digong, ganito pa rin. Kaliwa’t kanan, taas-babang pangongontra, kyaw-kyaw pa rin.

Sumatotal, ‘yung mga kumukontra noon, kontra pa rin hanggang kasalukuyan. Bakit kanyo? Eh malamang may tinatagong baho, personal na interes at mga dahilan na sila lang ang nakaaalam.

Karamihan sa kanila ang nasa patagong larangan na ang krusada ay kontra pamahalaan. Sa brutal na salita, trapong pulitiko at mga makakaliwa.

Itong mga indibidwal na ito, kung minsa’y, nag-iingay para makakontra lang. Pag hindi sila kumontra mawawala ang kanilang essense at sense of purpose. 

Walang tiwala sa gobyerno. Paano na lang daw ang privacy ng mga tao? Laking takot na magkakaroon ng suppression, monitoring, and tracking of everyone’s movement. Wow men. Nasobrahan yata sa panonood ng James Bond movies.

Sa simpleng salita, kung wala kang criminal records at wala kang tinatago, walang mahahalungkat. Pangamba ito ng mga kurakot na nasanay sa buhay illegal.

Mayroon ding nagsasabi na attack daw ito sa civil and political rights of the Filipinos. Neknek n’yo, tell it to the marines!

Ang national ID system, kung maipatutupad nang tama at agaran, ginhawa sa mga tao. Hindi sakit ng ulo. Hindi kapareho ng mga driver’s license sa LTO. Marami pa ring umaatungal diyan dahil hindi pa na-release ang card.

Sa mauunlad na bansa, matagal nang ginamit ang ID system. Epektibong natutukoy ang pagkakakilanlan ng isang indibidwal. Hindi na kailangan ng sandamakmak na ID para lang makumpirma ang identidad. Agaran ang pagbibigay ng serbisyo. Kaya sa ating gobyerno, good luck sa implementasyon. Sana hindi mabahiran ng red tape at korapsyon.

NATIONAL ID SYSTEM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with