^

PSN Opinyon

Hindi maubos ang mga pasaway na pulis

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

SIRANG-SIRA na naman ang imahe ng PNP dahil sa magkakasunod na kontrobersiya ng mga nagdaang araw. Hindi sila naaalis araw-araw sa diyaryo, TV at social media­. Mga sikat, sabi nga nila. Pero iba ngayon, masyado silang malupit, akala siguro nila ay hindi makakarating sa mga nakatataas sa kanila. Ayun sapol tanggal sa serbisyo ang mga gago. Hindi sila marunong magpahalaga sa kanilang trabaho. Hindi dapat pulis ang pinasok na trabaho ng mga ito dahil mga barumbado. Imbes na sila ang inaasa­hang magpuprotekta sa atin ay sila pa ang pasimuno.

Sang-ayon ako sa pamamalakad ni NCRPO Chief Guillermo Eleazar sa kanyang mga tauhan. Hindi siya nagdadalawang isip na bigyan ng pangalawang pagka­kataon ang mga gago niyang tauhan. Tama naman di ba? Habang maaga putulin ang sungay tanggalin sa ser­bisyo. Dapat nga ibitin nang patiwarik ang mga bugok na ‘yan para magtanda. At ang nakaalarma rito karamihan sa kanila ay mga bagito pa sa serbisyo. PO1 pa lang kung umasta parang SPO4 na. Sa aking pagkakaalam matindi ang training nilang pinagdaanan at nagtapos naman sila ng kolehiyo kung bakit nag-uumpisa pa lamang sila ay gumagawa na sila ng kabalbalan. Yan ang mga anay sa PNP.

Para sa akin 99.5% pa rin ang tiwala ko sa PNP. Ginagawa naman lahat ni Gen. Oscar Albayalde ang lahat ng kanyang makakaya upang makabawi man lamang sa mga gawain ng kanyang mga tiwaling tauhan. Maganda ang kanyang proposal na kailangan madalas ang drug test sa hanay nila. Sigurado isa yan sa mga dahilan kaya malakas ang kanyang mga tauhan.

Pahalagahan naman sana ang magandang suweldong bigay sa kanila ng gobyerno. Tapatan man lang ng magandang serbisyo. Dahil kung tutuusin sa taumbayan galing ang mga suweldo n’yo.

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with