‘Alulong sa Senado’
BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - April 11, 2018 - 12:00am

UMAALULONG na naman ang paborito kong “aso”, este senador sa mataas na kapulungan. Giit ni Mr. Magdalo, oras na raw para sa pagbabago! Di raw siya makukuntento hangga’t di napapatalsik si Sen. Gordon sa puwesto bilang Chairman ng Blue Ribbon Committee.

Matatandaan na Agosto noong nakaraang taon nang magkasagutan at magkainitan sina Sen. Trillanes at Sen. Gordon habang nasa gitna ng hearing tungkol sa diumano’y lumusot na drug shipment sa Bureau of Customs (BOC).

Pagbibintang ni Trillanes, pinagtatakpan at pinagtatanggol daw ni Gordon ang nooy lumulutang na pangalan ni Davao City Mayor, Paolo Duterte at presidential son-in-law Ma­nases Carpio.

Ang bangayan ng dalawang senador, nauwi pa sa pagsasampa ng kaso laban sa isa’t isa. Pero hindi pa pala roon natatapos ang giyera, dahil si Sonny T. muli na namang umaariba! Nag-iingay na naman at panay ang kyaw-kyaw sa media!

Galit na galit kay Gordon at gusto na agad itong mapalitan, dinamay pa pati si President Digong. Paratang ng senador, di raw puwedeng mapunta ang posisyon sa isang tuta ni Duterte dahil gagamitin daw itong proteksyon ng Presidente. Dagdag pa ni Trillanes, susuportahan daw niya ang anumang kilos para mapalitan ang liderato ng senado [Gordon]. Sisiguruhin daw niya na mapupunta ang posisyon sa isang open-minded senator at siya raw ang taong iyon.

Di ko malaman kung anong tumatakbo sa isip ni Sonny T! Tsong, ano bang nasisinghot mo sa Senado? Panay kasi ang travel mo kaya ayan puro hangin laman ng utak mo. Kung anu-anong sinasabi makuha lang atensiyon ng publiko.

U-L-O-L! As in “U Laugh Out Loud”, ganyan ka na ba talaga kadesperado? Dahil ba patapos na ang iyong termino at alam mong wala nang boboto sa iyo kaya gusto mong magpasabog at mang-agaw ng puwesto? Ba’t di ka na lang magpasabog ng utot mo?

Mga boss, ako na ang makikiusap sa inyo. Pare-parehas na lang nating intindihin. Iba talaga pag ‘yung tao may ‘trililing’. Tulad nga ng sabi ko sa aking programang Ben Tulfo Unfiltered, “the state of being stupid is more dange­rous than those who are real stupid.” Gets mo?

BUREAU OF CUSTOMS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with