^

PSN Opinyon

Goodbye, Jeffrey Tiangco, 60

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

KINUHA na ni Lord si Jeffrey Tiangco matapos makitang deadbol siya sa tinitirhan niya sa Pasig City, the other night.

Hindi makapaniwala nang mabalitaan nina Alex Ramos, Gie Villanueva at Omar Acosta ang balitang patay na ang kanilang matalik na kaibigan.

Sabi ni Gie, kausap niya noong Linggo si Jeff at nagyaya pa itong gumimik.

Nabigla naman si Omar, dahil ang alam niya ay walang sakit sa puso ang barkada pero may highblood ito.

Madalas kasi magtumaan sina Omar at Jeff kapag nagka­gimikan ang dalawa.

Matagal na kaming magkakasama nina Jeff dahil kami ang abay nito nang ikasal siya maraming taon na ang nakakaraan.

Anyway, ganyan talaga ang buhay kaya nakikiramay tayo sa mga naiwan ni Jeff.

Bye, Jeff!

Southern Metro jueteng bookies bukas na

NAGTATALUNAN sa tuwa ang mga gambling lords, kabo at kubrador ng jueteng bookies pati ang mga patong na pulis dahil binuksan na ang dayaan bolahan sa Taguig, Parañaque, Muntinlupa, Las Piñas.

Hati ang operasyon ng sugalan sa mga nasabing lugar dahil tuloy pa rin ang expanded STL ng PCSO dito at ang jueteng bookies.

Ano kaya ang masasabi ni Southern Police director Chief Supt. Apolinario sa binuksan jueteng bookies.

May mahuli kaya ang PNP CITF na patong na pulis sa sugalan ito?

Abangan.

Congrats PMA Class 2018 Alab Tala

NASORPRESA tayo sa regalong house and lot ni Boss Digong sa isang anak ng magsasaka at registered nurse na kumuha ng katakot-takot na parangal sa PMA graduation ceremony nila sa Baguio City.

Sabi nga, si Cadet 1CL Jaywardene Galilea Hontoria, ang topnotcher ng kanilang klase.

Mabuhay kayong lahat,  PMA Class 2018 Alab Tala!

Isa na lang - Monreal

INIKOT ni MIAA general manager Ed Monreal ang mga paradahan ng white taxi sa NAIA the other day.

Sabi nga, mainit ang araw pero nagtiyaga ito para magbigay ng ultimatum sa mga kamoteng dorobo ng white taxi.

Sabi ni Monreal, tama na, sobra na, itigil na ang mga kagaguhan at pangingikil ninyo sa mga pobreng pasahero.

Banat ni Ed, isang-isa na lang tapyas na kayo sa airport oras na may mabalitaan akong may niyari kayong pasahero.

Nabuwisit si Monreal, dahil sa nag-viral sa social media ang isang pasaherong blogger na niloko ng isang gagong white taxi driver para kikilan.

Sabi ni Ed, binantaan pa ng driver ang pobreng pasahero kaya nanggagalaiti  sa galit si GM ng makita sa video ang mga pangyayari.

Kaya nagbigay na ito ng ultimo oras este mali ultimatum pala sa mga mambibiktima ng mga pasahero.

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with