_ngayon
^

Ang tula

PILANTIK - Dadong Matinik (Pilipino Star Ngayon) - March 11, 2018 - 12:00am

Ano ba ang tula? Ah, ito ay awit

ng mga makatang matalim ang isip;

Kung ikaw ay taong walang nilalangit

di mo makakatha tula ng pag-ibig!

 

Ito rin ay sining ng mga Tagalog

at naging palasak sa maraming pook;

Bisaya’t Ilonggo sa tula’y nabantog

kaya sining itong sa bansa’y alindog!

 

Duplo at korido saka Balagtasan

na noo’y nauso sa loob ng bayan;

Di na maririnig kahit na saan man

wari bang ang sining ay nalilimutan?

 

Kaya nasaan na ang mga makata

na noo’y nagtampok sa maraming tula?

Sa ngayo’y para bang sila ay nawala

pati si Balagtas nalimot na yata?

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with