_ngayon
^

Wakas ng daigdig

PILANTIK - Dadong Matinik (Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2018 - 12:00am

Ang wakas ng mundo ay hindi naganap

palibhasa’y hula masamang pangarap;

dahil sa takot kong mundo nga’y magwakas

ang katauhan ko’y sa langit umakyat

 

Sa dakilang Ama ako ay nanghiram

ng kanyang karwahe na hila ng araw;

sa kanya’y sinabing ang hangad ko lamang

makita kung paanong mundo’y magugunaw!

 

Pumayag ang Ama at ako’y naglakbay

lahat ng planeta’y nasa ayos naman;

ang mga asteroids,buntala at buwan

sa ating daigdig ay naglalampasan!

 

Sa paglalakbay ko ay aking nakita

ang higanteng STAR na ubod ng ganda

nang ako’y pumasok ay naroon pala

publishers, editors mga reporter pa!

 

Nagbyahe na akong pabalik sa langit

karwahe ng Ama’y aking isinulit;

nagtawa ang Ama siya’y hindi nagalit

pagka’t tayong tao’y kanya pang tangkilik

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with