^

PSN Opinyon

Traffic wala ng pag-asa

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

KUNG ang madlang pinoy ang tatanungin sa malalang traffic sa Metro - Manila, lalo sa EDSA malamang ang answer nila ay wala ng pag-asa pa itong masosolusyunan puera na lamang kung palalaparin ang mga kalye at gagawa ng mga matataas o underground tunnel na bagong daan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi basta-basta ang proyektong ito grabe ang dapat na salaping ilalaan sa proyekto pero siguradong masosolusyunan ang grabeng problemang ito.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagtataka sila kung bakit may mga bright people ang diumano’y nagtutulak na gawin two days ang pagsususpinde sa mga sasakyan sa Metro - Manila?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Bakit ba?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung ipatutupad ang gustong mangyari ng mga pa bright, bright mukhang inaalisan nila nang karapatan ang mga may-ari ng mga sasakyan na gamitin ang kanilang mga vehicles.

Sabi nga, bakit pa sila bumili?

‘Makatao ba ang gustong palabasin nang mga nagtutulak nito para suspindihin ng dalawang araw ang mga sasakyan sa kalakhang Maynila?’ Tanong ng kuwagong asar.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagtataka sila kung bakit ayaw subukan ni MMDA chairman Danny Lim na ‘brand names’ ng mga sasakyan ang gawin basehan para hindi ito makalabas sa kalye ng isang araw at makita niya ang magandang resulta sa kalsada.

Ika nga, ginhawa at tiyak walang trapik sa buong kamaynilaan partikular sa EDSA pero dapat pa rin tingnan ang mga illegal terminals para malinis ang kalsada sa mga abusadong drayber.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kapag ang sistemang ito ang ginamit ni Lim tiyak solved ang problema sa traffic sa Metro - Manila.

Ika nga, puede kang iboto kapag tumakbo kang pangulo sa Philippines my Philippines at manalo.

Halimbawa, ang lahat ng klase ng Toyota vehicles ay ipagbawal ng Lunes sa kalsada ng Metro - Manila dahil napakarami nito tiyak luluwag ang kalye. Huwag na ninyong isipan pa ang pagpalag ng mga car manufacturers sa gagawin ninyo?

Sabi nga, political will lang ito!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kapag araw ng Martes hanggang Biernes isipin ng mga pa bright,bright dyan sa MMDA kung ano pang mga sasakyan ang ipagsasama-sama nila para wala ito sa kalye ng araw na iyon.

Halimbawa, Honda, isama mo ang mga imported at luxury cars tulad ng mga Mercedez Benz, BMW, Porche, Escalade, Expedition, Subaru ecetera basta imported at luxury bawal.  Isama mo pa rito ang mga kakaunting sasakyan tulad ng Foton, Cherry  at iba pang mga Chinese brand name cars.

Sabi nga, Martes bawal sila!

Tiyak luluwag ang kalsada.

Ganito lang ang sistema pagsama-samahin ang mga branded names na mga sasakyan para ibawal sila sa kalye Mazda, Hyundai, Ford at iba pang mga brand names para pag-aralan kung kailan araw sila bawal sa kalsada.

Ang mga public vehicles tulad ng taxi, mga buses, jeepneys at lahat ng motorsiklo ‘number coding’ naman sila.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang Uber at Grab vehicles ay suspindihin sa araw kung anong brand names nila.

Tiyak luluwag pa sa EDSA.

At kapag araw ng Sabado para hindi sumikip sa kalsada at EDSA lahat naman ng mga sasakyan na ‘odd numbers’ ay bawal simula sa alas - 7am hanggang alas 2pm at mula alas 2pm up to 9pm ‘even numbers’ naman ang bawal sa kalye.

Sabi nga, political will lamang ito General Lim bakit hindi mo subukan para makita mo ang resulta!

‘Kaysa mag martial law umano ka sa kalsada tungkol sa 2 days suspension ng mga sasakyan na gustong itulak ng mga pa bright, bright dyan?’ sabi ng kuwagong duling.

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with