^

PSN Opinyon

‘Anibersaryo kuno ng BITAG!’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

PABORITONG gamitin at galitin ng mga kawatan ang BITAG. Ginagamit ang aking programa at mismong aking­ pangalan, makapanghuthot lang. Ginagamit ang tapang ng aking programa at pangalan para magkamal ng pera. Kuwidaw, dahil madali itong nakakarating sa aming grupo.

Nitong Biyernes, ginamit ang aking buong pangalang BIENVENIDO TULFO para raw sa anibersaryo ng BITAG ngayong Setyembre. Ang biktima, security agency na inireklamo sa Kilos Pronto. Para raw hindi sila mapasara, etong putok sa buhong BT kuno ay nanghihingi ng pera. 

Muntik nang maniwala ang opisyales ng security agency­ na kausap ng impostor. Kaboses ko raw ito at gumaga­mit ng mga lengguwaheng aking sinasalita. Nabanggit ng opisyales sa isang kaibigan na dati ng lumapit sa BITAG ang sitwasyon. Agad siyang pinayuhan nitong pumunta sa aming tanggapan dahil alam nitong “hindi ganito ang gawain ng BITAG”.

Inirekord ng aming mga staff ang pakikipag-usap ng biktima at ni Bienvenido Tulfo (BT) kuno. Ang hinayupak, nanghihingi ng P10,000 ng gabi na ‘yun para Raw sa celebration ng BITAG Anniversary --- bugok! 

Marso ang anniversary month ng BITAG at hindi Setyembre! Tingnan n’yo ang katakawan ng bogus na BT, inalok siya ng lechon na ipapadala ng biktima para Raw sa celebration ng Bitag Anniversary. Tinanggihan ni pekeng BT ang lechon, yung P10,000 na lang daw. Pero, puwedeng ipadala raw sa kanya next week dahil birthday niya -- gunggong talaga ang animal, Mayo ako pina­nganak. 

Hindi ko na pinatagal, tinawagan namin sa Kilos Pronto. Waley, nabahag ang buntot, hindi na nakapagsalita at binabaan kami ng telepono. Na-trace namin ang lokasyon ng smart padala na pagpapadalahan sana ng pera, sa Tanay Rizal. Hoy kolokoy, umayos ka, itigil mo paggamit sa pangalan ko dahil hahantingin na kita. 

May susunod pa ba? Eto babala ni Bitag sa mga gusto pang gumamit ng amin o aking pangalan. Una, huwag n’yong bastarduhin ang aming grupo dahil tumutulong kami ng walang anumang kapalit. Pangalawa, siguraduhin n’yong tama kahit paano ang mga impormasyong binibitawan niyo, masyado namang pambabastos ang mali-maling date ng aming anibersaryo at aking kaarawan at ikatlo, wag na wag kayong pahuhuli dahil kapag nakaabot sa amin, sosorpresahin ko kayo ng bongga. 

May mga pakalat-kalat pa ba diyan na nangongotong gamit ang BITAG at ang aking pangalan? Ireport niyo agad sa aming tanggapan! 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with