^

PSN Opinyon

‘Ikulong si PNoy!’

CALVENTO FILES - Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

KAPAG NAGING Pangulo ka ng bansa lahat ng papuri ay sa ‘yo pero kakabit din nito ang lahat ng sisi sa mga nangyaya­ring hindi maganda sa bansang pinamumunuan mo.

Madalas na idinadaan ng mga tao ang kanilang hinaing o kapag hindi sila sang-ayon sa patakaran o anumang isyu ay idinadaan nila sa pagra-rally at protesta.

Tila ito lamang ang kanilang magagawa dahil wala naman silang kakayahan na magpatawag ng isanng press confe­rence upang ihayag ang kanilang saloobin.

Nais ng National Democratic Front (NDF) na arestuhin si dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III kaugnay sa naging madugong dispersal noon sa mga magsasaka sa Kidapawan, North Cotabato noong Abril 1, 2016.

Sa kasagsagan ng El Ni?o halos magutom ang mga magsasaka dahil ang kanilang mga pananim ay natuyo at wala silang mapagkunan ng hanapbuhay.

Humingi sila ng tulong sa nakaraang administrasyon para mabigyan ng ayuda ang kanilang pamilya ngunit tila hindi umaksyon ang mga ito.

Nagkaisa ang mga magsasaka na mag-protesta upang iparating ang kanilang paghingi ng tulong.

Anim na libong magsasaka ang nagsama-sama para mmagprotesta.

Ang paghawak ng mga karton o papel na nakasulat ang kanilang kahilingan, ang pagsigaw sa kalsada ay kalaunang nauwi sa salpukan sa pagitan ng mga pulis, militar at mga magsasaka.

Sa halip na magkaroon ng usapan o kasunduan sa pagitan ng dalawang grupo at magkaroon ng magandang solusyon sa tulong na inilalapit sa kanila nauwi ito sa pagpapaalis sa kanila gamit ang tubig at batuhan.

Dalawa sa mga magsasaka ang namatay dahil sa dispersal habang marami naman ang nasaktan. Marami rin ang ikinulong.

Isang taon ang nakalipas naniniwala ang grupo na lumabag ang dating Pangulo sa ilang karapatang pantao. Kinasuhan nila ito ng war crimes, crimes against humanity at ilan pang paglabag sa international human rights law.

Hindi lang si Aquino ang umano’y lumabag sa karapatang pantao ng mga magsasaka at damay sa kanilang reklamo sina North Cotabato Gov. Emmylou Taliño-Mendoza, Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista, North Cotabato Representative Nancy Catamco at ilang military at pulis na nagsagawa ng dispersal.

Matapos ang insidente at pagkamatay ng dalawang magsasaka ay sinabing paiimbestigahan ang nangyari ngunit wala namang panibagong ulat tungkol dito.

Ang mga inirereklamo ay kinakailangang magkaroon ng kaukulang parusa sa ilalim ng ‘People’s Court’.

Sa bantang ito nangangamba ang ilan para sa seguridad ng dating Pangulo.

Ayon kay Presidente Rodrigo Duterte ipapaubaya niya sa korte kung dapat nga bang papanagutin ang dating Pangulo sa nangyari sa mga magsasaka sa Kidapawan.

Hiniling naman ni Senator Panfilo Lacson sa mga otoridad na bigyan ng sapat na proteksyon ang dating Pangulo at pati na ang nasa listahan na gusto nilang arestuhin.

Hindi raw ligal ang pag-aresto. Hindi ito nagdaan sa tamang proseso ng batas upang malaman kung ang isang nirereklamo ay dapat nga bang managot sa nangyaring krimen at arestuhin.

Tungkulin umano ng militar at ng pulis na protektahan ang mga ito laban sa banta ng grupo dahil ipinagpapalagay na ang grupong ito ay kalaban ng estado.

Kung mayroon man na dapat magpataw ng parusa o pag-aresto sa isang taong na nagkasala o lumabag sa batas ay ang tamang kinatawan ng gobyerno lamang ito.

Sabi ng tagapagsalita ng Liberal Party (LP) pinag-aaralan nila kung pamumulitika ang dahilan ng NDF dahil sa peace talk. Kinakailangan umano rito ang propaganda para makuha ang suporta ng taong bayan.

Hindi naman daw gusto pang patulan ni Aquino ang ipinahayag na ito ng NDF.

Nakahanda naman ang AFP na magbigay ng karagdagang seguridad para sa dating Pangulo ngunit hindi pa naman ito humihiling sa ngayon.

Bagama’t gusto nating lahat ang hustisya at linaw kung paano nga ba nauwi sa dispersal at pagkakamatay ng dalawang magsasaka ang paghingi nila ng ayuda sa dating admi­nistrasyon kinakailangan din magdaan ito sa tamang proseso.

Isang masusing imbestigasyon nang mabigyan ng kataru­ngan ang mga namatay at nasaktan nung mga panahong yun.

Hindi naman kinikilala ng otoridad ang pag-arestong ito na sinasabi ng NDF dahil tanging ang batas lamang ang dapat magpataw nito.

Nung unang taon ng anibersaryo ng madugong dispersal sa Kidapawan ay nagkaroon ng paggunita ang mga magsasaka at ilang grupo sa lugar.

Humihingi sila ng pagkain, lupa at pati na ang hustisya sa nangyari noong nakaraang taon sa kanilang mga kasama.

Si dating Pangulong Aquino ang sinisisi nila sa nangyari. Nagkaroon umano ito ng pagkukulang kaya hindi naging maganda ang resulta ng kanilang protesta.

Para mapanagot ang dating Pangulo kinakailangan ng sapat ng ebidensya na magtuturo sa kanya at sa iba pang kinasuhan na sila nga ang may pagkukulang dito.

Nilinaw din naman ng AFP at ng palasyo na tanging ang korte lamang ng Pilipinas ang maaaring magpataw ng kaukulang parusa laban sa mga taong lumabag o nagkasala sa batas.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong mag-text sa 09198972854, 09051090451.

Sa gusto akong makausap ng diretso maaari kayong tumawag sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

Hotlines: 09198972854

Tel. Nos.: 7103618

vuukle comment

NATIONAL DEMOCRATIC FRONT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with