^

PSN Opinyon

Pure political noise

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

PARA sa akin, isa lamang purong “ingay-pulitika” ang isi­nampang impeachment complaint na inihain sa Kongreso ng party-list na Magdalo.

Dapat marahil ay pinag-isipan munang mabuti ng nagsampa ng kaso ang mga reklamong iniharap laban sa Presidente para siguruhing wala itong butas na magiging dahilan upang ibasura ito.

Dalawang bagay ang dapat ikonsidera sa pagtata­gumpay ng isang impeachment complaint: Dapat, ang mga reklamo ay ginawa ng Pangulo sa panahon ng kan­yang panunungkulan bilang Presidente ng bansa at; pangalawa, dapat kakampi ng nagsasampa ng reklamo ang mayorya ng Kongreso. Pero lagi naman na ang Mababang Kapulungan ay nakakiling o kumakampi sa nanunungkulang Pangulo.

Kaya nga sa kasaysayan ng bansa, tanging ang impeachment process laban kay Presidente Estrada ang muntik magtagumpay. Sinasabi kong muntik dahil hindi nakarating sa Senado na siyang hukumang magpapataw ng parusa sa isang na-impeach. Nauwi ito sa isang people power revolution na naging dahilan upang kusang magbitiw si Estrada.

Balikan natin ang ikinakaso kay Duterte. Ang mga tinukoy­ na kaso ng extra-judicial killings laban sa kanya­ ay naganap noong siya ay Mayor pa ng Davao City na base sa mga testimonya ng mga pulis-Davao na tumestigo­ laban­ sa kanya sa pagdinig ng Senado.

Kung ang pag-uusapan naman ay ang mga pagpatay na nangyari sa Oplan Tokhang, walang matibay na ebidensya na siya nga ay tuwirang kasangkot sa mga ito. Puro bokadura lang ang sinasabing 8,000 napaslang sa Tokhang at walang dokumentong magpapatibay nito. Siguro, kung maraming kalaban sa mga Representante­ sa Kamara ang Pangulo  baka magtagumpay pa ang impeachment. Pero nakita na natin kung papaano mambraso ang Kongreso sa pamumuno ni Alvarez. Nakita natin kung papaano na-railroad ang pagpapanumbalik ng bitay. Kahit ano pa ang sabihin, ang impeachment ay isang political exercise na tulad n eleksyon. Pinagbobotohan ito ng mga Representante at kung ang mga boboto ay pawing kaalyado ng Pangulo – no way jose.

 

vuukle comment

ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with