^

PSN Opinyon

9 barangays sa QC drug-free na!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MASIPAG at dedikado sa trabaho si Quezon City Police District (QCPD) chief C/Supt. Guillermo Eleazar kaya naman idineklarang “drug cleared” ang siyam na barangay sa Quezon City batay sa pag-aaral ng Anti-Drug Abuse Advisory Council (QCADAAC). Ito’y sa loob lamang ng anim na buwan na kampanya sa pamumuno ni Eleazar at masisipag niyang tauhan. Ang mga idineklarang “drug cleared” ay ang Bgy. Damar, Bgy. West Triangle sa District-1;  Bgy. Blue Ridge B, Bgy. Libis B, Bgy. Quirino 3B (Claro), Bgy. Mangga  ng District-3 at Bgy. Valencia, Bgy. Horseshoe,  Bgy. Kautusan sa District-4. Malinaw na may dedikasyon si Eleazar na harapin ang panganib maipatupad lamang ang kautusan na inatang sa kanya ni PNP chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa.

Ngunit hindi naging madali ang pagtamo ng mga drug cleared na barangay dahil na rin sa pagkasangkot ng iilang pulis sa droga, at mga mapangahas na operas­yon na ang ilan ay humantong pa sa panlalaban. Kaya ang mga nasangkot na mga pulis ay ipinatapon na sa Mindanao at sa mga lumaban naman ay tuluyan nang nabura sa Quezon City, he-he-he! Kabilang sa mga panuntunan na pinagbatayan ng QCADAAC ay ang inilatag ng Department of Interior and Local Government (DILG) kasama na ang aktibong Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC); pagkakaroon ng Ugnayan ng Barangay at mga Simabahan (UBAS) partnership; at mga mekanismo ng Mamamayan Ayaw sa Anomalya-Mamamayan Ayaw sa Iligal na Droga (MASA-MASID). Pero gaya nga ng kasabihan, walang hamon na hindi mapagtatagumpayan sa katulad ni Eleazar na determinado at desidido sa trabaho. Naging posible rin ang accomplishment na ito dahil sa suportang ibinibigay nina Quezon City Mayor Herbert Bautista, Vice Mayor Joy Belmonte at ng buong konseho ng Quezon City. Saludo ako sa’yo General Eleazar at sa buong puwersa ng QCPD!

Samantala ninais ni Cavite Rep. Strike Revilla na bigyan nang magandang suweldo at allowance ang mga doctor para hindi na sila mag-abroad at imbes ay manungkulan sa mga liblib na lugar ng bansa at makinabang ang mga mahihirap na mga Pinoy. Hindi kasi makatarungan na ang mga doctor ay tumatanggap ng kakarampot na suweldo kung ihambing sa private sector. “Paano maisasakatuparan ng gobyerno ang kanyang mga programa at proyekto kung ang kanyang mga empleado, pati ang sambayanan ay mahina ang pangangatawan at nangangailangang mabigyan ng sapat na lunas?” ani Revilla. Kaya’t nararapat lang bigyan pansin ng gobyerno ni President Digong ang kapakanan ng mga doctor dahil para bantayan ang kalusugan ng mga Pinoy sa liblib na lugar ng bansa, lalo na ‘yaong hindi pa naabot ng health services mula noon pa.

Kaya sa ilalim ng House Bill 1669, na kilala rin bilang, “Rural Health Unit Doctors Incentives and other Benefits Act of 2016” mabibigyang kalutasan ang kakulangan ng mga doctor sa liblib na lugar ng bansa. Sa ilalim ng naturang batas, protektahan at isusulong ng gobyerno ang kalusugan ng sambayanan. Ipalalaganap ang kahalagahan ng kalusugan at bibigyan nang tuloy-tuloy na serbisyong medical, lalo na sa aspeto ng kaalaman sa health service. At dahil sila ang mangunguna sa pagbigay ng health services sa rural areas, nararapat lang na bigyan ng karagdagang suweldo at benefits ang mga doctor. Sa ilalim ng HB 1669, ang mga doctor ay tatanggap ng mga hazard allowance na pagdesisyunan ng health board ng LGUs, subsistence allowance na katumbas ng mga presyo ng pagkain nila, at higit sa lahat scholarship.

 

vuukle comment

QC DRUG-FREE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with