^

PSN Opinyon

Common station kunwari lutas na

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

LUTAS na kuno ang anim na taong gusot sa common station ng commuter trains. Pinapirma ni Transport Sec. Arturo Tugade ng kasunduan ang malalaking negosyante sa likod ng LRT-1, MRT-3, at MRT-7. Sila na umano ang gagawa ng detalyadong plano ng istasyon -- basta lang tatayo ito sa pagitan ng SM-North EDSA at Trinoma malls sa kanto ng North Avenue at EDSA, Quezon City.

Hindi solusyon ang ginawa ni Tugade, kundi palabas lang. Ito ang dahilan, ayon kay Bagong Alyansang Maka­bayan head Ka Nato Reyes:

Isang dekada na ang lumipas mula nang magbaon ang gobyerno ng pylons na pundasyon ng naturang common station. Ang original site ay sa panig ng SM Mall. Dahil dito, nagbayad pa nga ang SM ng P200-milyong rights para panga­lanan ang common station ng “SM.”

Kung ililipat sa gitna ng SM at Trinoma malls ang istasyon, mababale-wala ang ginasta ng Dept. of Public Works and Highways sa orihinal na pylons. Wala sa kasunduan ang pag-reimburse ng halaga.

Kung ipapaubaya ni Tugade ang pagtayo ng istasyon sa bagong site, isusuko niya ang tungkulin ng gobyerno na sigu­raduhin ang pinaka-mainam na disenyo sa pinaka-mababang halaga sa mamamayan. Mawawalan ng proteksiyon ang mananakay sa husay ng trabaho, ganda ng disenyo, at baba ng pasahe.

Bakit nga ba ililipat pa sa may Trinoma ang istasyon? Isiningit kasi ito ni dating transport chief Joseph Abaya sa LRT-1 extension contract sa Light Rail Manila Corp. na pinamumunuan ng Ayala Corp. Si noo’y Ayala executive Noel Kintanar ang nagpalagay nito sa kontrata, para maisahan ang SM. Si ngayo’y Transport Undersecretary Noel Kintanar ang nagpapatupad ng naturang kontrata. Tinutuligsa ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang kiling ni Kintanar, pero nananatili ito sa puwesto.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

JARIUS BONDOC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with