^

PSN Opinyon

Bakit nag-tsk-tsk-tsk ang butiki -- alamat

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

TUWING takip-silim, nasasamid si butiki at malakas na umuubo nang “Tsk-tsk-tsk-tsk-tsk.” Tapos, guma­gapang siya pababa sa lupa para uminom ng hamog na pampawi ng sakit ng lalamunan. Ito raw, ayon sa alamat, ay parusa sa kanya ng Diyos. Kasi, muntik na umano mapahamak si Santo Niño Hesus at mga magulang dahil sa ingay niya.

Maaalalang nang mabalitaan ni Haring Herodes na may isinilang na sanggol na lalaki na magiging Hari ng mga Hari, labis itong nagselos. Pinasundan niya sa mga sundalo ang Tatlong Hari na nagkuwento sa kanya ng kapanganakan. Alam niyang patungo sila sa kung nasaan ang Banal na Sanggol, para maghandog ng regalong ginto, pabango, at insenso. Pero nagtago ang bituin na tanglaw ng Tatlong Hari para sana matunton ang sanggol. Naligaw sila, at nagsibalik ang mga sundalo sa palasyo. Sa galit ni Herodes, inutos niyang halughugin lahat ng kabahayan sa Galilee, at patayin lahat ng batang lalaki hanggang isang taong gulang. Ang laking hinagpis ang sumaklob sa ka­harian.

Hindi akalain ng mga sundalo na ang Hari ng mga Hari pala ay isinilang sa isang hamak na sabsaban. Nilampasan nila ito sa pagbabahay-bahay. Akala nila mga tupa, kambing, donkey, at baka lang ang nasa loob ng sabsaban. Pero napakasipsip ni butiki kay Haring Herodes. Namataan niya ang Banal na Pa­milya sa loob ng sabsaban, na nakikipagbulungan sa kararating lang na Tatlong Hari. Agad tinangka ni butiki na tawagin ang pansin ng mga sundalo para ipagkanulo ang eksena sa loob.

Mabuti na lang nandoon sa sabsaban ang anghel na nagbabantay kina Birheng Maria, San Jose, at Santo Niño Hesus. Hinipan agad ng anghel ang lampara para patayin ang liyab, para walang mapansin ang mga dumadaang sundalo. Ginawa ng Diyos na masamid at ubuhin si butiki, para hindi makasalita. Mula noon, palagi na lang ito nasasamid, inuubo, at pagkatapos ay kailangang uminom ng hamog si butiki.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with