^

PSN Opinyon

Honorarium ng teachers at sundalo, di pa binibigay

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MAHABA man daw ang prusisyon sa simbahan din ang tuloy. Mukhang ito ang ibig ipakiwari ng sambayanan matapos na iproklama ng Comelec ang 12 senador na kinabibilangan nina Franklin  Drilon, Joel Villanueva, Richard Gordon, Vicente Sotto, Panfilo  Lacson, Francis Pangilinan, Sherwin Gatchalian, Risa Hontiveros, Manny Pacquiao, Juan Miguel Zubiri, Ralph Recto at Leila de Lima. Siyempre hindi ito magiging ganap na proklamasyon kung hindi babasbasan ni Comelec chairman Andy Bautista ang partylist na uupo rin sa Congress. Ang ta­nging nakabitin sa ngayon ay ang labanan nina Leni Robredo at Bongbong Marcos sa pagka-vice president matapos ang maalingasngas na paggalaw sa hash code server. Ngunit pasasaan  ang usaping ito di ba mga suki sa proklamasyon din hahantong.

Ngunit sa kabila ng halos 100% na ang resulta ng eleksyon maniwala ba kayo na hanggang sa ngayon ay nananaghoy pa rin ang mga teacher sa kanilang hono­rarium, kasi nga mapahanggang sa ngayon hindi pa naibibigay sa kanila ang ipinangako ng Comelec. Sana huwag naman mapurnada dahil itinaya ng teachers ang kanilang buhay upang mapaayos lamang ang halalan 2016. Kaya maging sa harapan ng Philippine International Convention Center ay nagpakita ng gilas ang mga teacher upang maipadama kay Bautista ang kanilang pagkadismaya sa mabagal na pamumudmod ng honorarium, hehehe!

Kung sabagay hindi lamang sila ang napangiwi dahil ayon sa mga nakausap kung mga sundalo ng Philippine Army maging sila man ay hindi rin naanggihan sa allowance na P1,000 per day. Ito kasing mga army na galing Capas, Tarlac ay naaburido sa kanilang sitwasyon matapos na hindi maibigay ang P1,000 per day na allowance. Tanging pack lunch lamang ang supply nila mula umaga hanggang hapunan, ang masakit nito maging ang kanilang pagtugon sa tawag ng kalikasan ay nagbabayad pa sila ng P10.00 sa mga comfort room sa bisinidad ng PICC. Maging ang kanilang pagligo ay may bayad din kung kaya puro resibo ng kubeta ang laman ng kanilang bulsa, hehehe!

Asan kaya napunta ang allowance na P1,000 per day? Hindi ba kayo naawa sa kalagayan nitong mga sundalo na nagtiyaga sa pagbabantay araw at gabi upang mabigyan lamang ng proteksyon ang kapaligiran ng PICC? Kung sabagay hindi pa naman huli ang lahat, kung gusto n’yong maging masaya naman ang mga teachers at sundalo, ibigay na ninyo ang pangakong datung nang maipuno sa kanilang gastusin sa kumakalam na sikmura ng kanilang mga pamilya.

Samantala wala pa naman akong nasagap na reklamo sa hanay ng pulisya dahil hindi naman yata sila nagkulang sa supply na pagkain at allowance habang nakagarison sa mga kalye sa paligid ng PICC. Kilos na Chairman Bautista at baka mubusan ka ng puwesto sa administrasyon ni incoming President Rody. Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with