Seryoso si Grace na ayusin ang DOTC
- Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - February 3, 2016 - 9:00am

DAPAT talagang tuldukan na ang mga katiwalian at kapalpakan ng Department of Transportation and Com­munications lalu na sa pamamalakad ng MR-Tirik. At tingin ko, determinado si Sen. Grace Poe panagutin ang pinakamatataas na opisyal ng DOTC sa mga aberya­ sa Metro Rail Transit-3 (MRT-3).

Matinding parusa ang idinulot nito sa mahigit 600,000 pasahero araw-araw. Ibig ng Senadora na kasuhan ang mga inutil na mga opisyal ng DOTC sa pamumuno ni Secretary Jun Abaya. Mantakin mo nga naman na hindi masolusyunan kahit ang pinakamaliliit na problema gaya ng sirang mga palikuran, elevator at escalator.

Oo nga naman. Paano pa masosolusyunan ang mas malalaking problema kung ang mga maliit na problema ay hindi maremedyuhan? Oo nga’t tumatakbo na ang ilang escalators sa mga istasyon ng MRT-3, ngunit hindi pa rin makalimutan ang dusa kapag pumipila ka nang milya-milya para lang makasakay sa MRT-3 na dahil hindi maayos ang pagmamatini, ay biglang humihinto, hindi sumasara ang pinto at pagkaminsan, ay nadidiskaril pa—bagay na talaga namang nagpapakaba at naglalantad sa mga pasahero sa kapahamakan.

Bukod sa problema sa mga tren at pasilidad, binak­bakan din noong isang taon ng senadora ang sinasabing “onerous contract” o kontratang hindi naman makikinabang ang mga mamamayan kundi ang pri­badong kumpanyang pinaboran ng DOTC. Ani Poe, dapat na ilabas ang kontrata para mabusisi nang husto at makita kung totoo bang hindi ito magiging disbentahe sa mamamayang nagba­bayad ng buwis.

Sa ipinakikitang ito ni Poe, marami ang nagsasabing talagang magiging mahusay na lider ng bansa ang foundling na ito, na pinalaki at inaruga ng mag-asawang Fernando Poe, Jr. at Susan Roces. Kaya nga, kahit na tinambakan ng mga kaso ng diskwalipikasyon dahil sa isa siyang pulot, bumabaha pa rin ang suporta sa mambabatas mula sa batayang sektor ng ating lipunan. Harinawang ang batas ay pumabor kay Poe dahil mukhang may ibubuga ang ale sa pamamahala. Hindi pa nga siya presidente pero seryoso na siya sa paglutas sa mga suliranin ng bayan, paano pa kaya kung maluluklok siya sa Malacañang?

ACIRC ANG ANI POE DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COM FERNANDO POE GRACE POE HINDI METRO RAIL TRANSIT MGA OO SECRETARY JUN ABAYA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with