^

PSN Opinyon

Iresponsableng drayber, peligrosong kalsada

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MAY mga nagpapatakbo pa rin ng mabilis sa kalsada kahit matindi ang trapik ngayon. Kumalat ang video ng isang pampasaherong jeep na pagiwang-giwang sa kalsada kahit may mga ibang sasakyang katabi, sa kasagsagan ng araw. “Patok” ang tawag sa mga pampasaherong jeep na ganito tumakbo sa kalsada. At ang dahilan ng drayber ang pinaka-hangal na paliwanag na narinig ko sa buhay ko. Pang-akit daw nila ito sa mga kabataan na ang gusto raw ay mabilis na sasakyan. Ang kabataan na lang ba ang sumasakay ng pampasaherong jeep ngayon? At kung masangkot sa aksidente at makasakit o makapatay pa, magkakamot na lang ng ulo?

Sinampolan ng LTFRB ang operator ng jeep. Sinuspindi ang prangkisa habang kinansela na ang lisensya ng drayber nito. Dapat hindi na bigyan ng pagkakataong magmaneho pa muli at ipinakita lang niya na hindi siya responsableng tao. Agrabiyado na talaga ang sumasakay na publiko ngayon. Noong 2015, mga taxi ang pinakamaraming reklamong natanggap ng LTFRB, sumusunod ang mga pampublikong bus, pangatlo ang mga jeep. Ang pangunahing reklamo naman sa mga drayber ay pagi-ging bastos o arogante, pangalawa ang mga kaskasero magmaneho at pangatlo ay ang pagdagdag singil sa pamasahe. Kaya tila lumalaban na rin ang publiko sa pamamagitan ng pagkuha ng mga video para gawing ebidensiya laban sa mga pasaway. Mabuti na lang at may camera na ang mga cell phone.

Pero hindi lang mga drayber ng pampublikong sasakyan ang nagbibigay ng peligro sa kalsada. Pasado alas dos ng madaling araw noong Miyerkules, sinalpok ng isang kotseng nakikipagkarera ang isang nakaparadang sasakyan na may dalawang sakay. Mabuti na lang at hindi namatay ang mga sakay nang nakaparadang kotse, pero kinailangang ilagay sa neck brace ang kanilang leeg habang dinadala sa ospital. Tumakas ang nakabanggang sasakyan. Inabandona ito. Sinisimulan nang alamin kung sino ang may-ari ng sasakyan.

May mga kabataan na hindi pa rin makapigil na magmaneho nang mabilis sa mga publikong kalsada. Kapag sumapit na ang lalim ng gabi, dito na naglalabasan ang mga “karerista” para ipakita, at kung may pagkakataon, ilaban ang kanilang mga sasakyan. Dapat matuntunan ng mga pulis ang mga grupong ito na sangkot sa iligal na pagkarera sa kalsada. Sa dami ng sasakyan ngayon, kahit malalim na ang gabi o madaling araw pa, hindi masasabi na sila na lang ang sasakyan sa kalsada.

vuukle comment

AGRABIYADO

ANG

DAPAT

HINDI

INABANDONA

KALSADA

KAPAG

KAYA

LANG

MGA

SASAKYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with