^

Sa birthday ng mga Puso

PILANTIK - Dadong Matinik (Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2016 - 9:00am

Susunod na buwan buwan ng Pebrero

at alam ng lahat na ang buwang ito;

ay kapanganakan ni St. Valentino

kaya magdiriwang ang maraming tao!

 

Mga puso nila pipitlag sa dibdib

pagkat tumitibok sa ngalang pag-ibig;

mga nanliligaw sa tibok ng dibdib

pag-ibig na tapat alay sa nilalangit

 

Subali’t di lahat na nagpapahayag

na mahal ang mutya ay matapat;

sinasabi nila sa bibig ay nulas

subali’t ang puso siyang umiilag!

 

Sa ganitong araw ang dapat ialay

pag-ibig na wagas at walang kapantay;

hindi nararapat na ngayo’y ibigay-

kunwaring pag-ibig na makasalanan!

 

Sa ngayo’y magulo buhay sa daigdig

kaya iba-iba hugis ng pag-ibig;

may pusong ulikba may diwang tagilid

kaya puso’t diwa laging nagtatagis!

 

Sa sitwasyong ito pag-ibig na wagas

ay hindi matanto kaya umiiwas;

tapat na pag-ibig hindi maihayag

kaya kabiguan ang nagiging wakas!

 

Sana’y maging aral sa araw na ito

buhay na sinapit ng dakilang tao;

sila ay naghandog ng pusong totoo

pag-ibig na tapat sa sumpa’t pangako!

 

Kung hindi magawang ang puso’y ihandog

sa magandang mutyang inyong iniirog;

Mabuti sigurong sa baya’y ihandog

dakilang pag-ibig tapat na pag-irog!

ACIRC ANG IBIG MGA NBSP PAG PEBRERO SANA ST. VALENTINO SUBALI SUSUNOD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with