^

PSN Opinyon

Smuggling para matigil

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

IBINULONG ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na may lihim na operasyon ang militar sa pier para tiktikan ang gagawing pagpupuslit ng sangdamakmak na container vans na naglalaman ng saku-sakong smuggled imported sugar.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ilang araw na tinututukan diumano ng mga militar from the Philippine Army at Philippine Navy ang nasabing epektos pero hindi pa rin nila matukoy kung nasaan ang mga shipments?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagtataka sila kung bakit daw may militar sa pier at sino ang nag-utos sa mga ito na mag-operate sa aduana? Take note, Depcom Jessie Dellosa, Your Honor!

‘Last week ay sangkaterbang sako ng imported smuggled sugar ang nahuli sa pier kaya naman mainit ang ulo ng mga nakapatong na bugok from the bureau sa pangyayari dahil patay ang kanilang delihensiya.’ sabi ng kuwagong talipandas.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi biro ang away ng dalawang sinasabing matataas na opisyal sa Bureau of Customs kaya naman nagbubutasan ang mga ito.

Kambiyo issue, ‘nag - I’m sorry’ the other day si Lina sa mga OFW’s regarding sa controversial policies na buksan ang mga ‘balikbayan boxes na pag-aari ng huli kaya naman naging talk of the town ang usaping ito.’

Tanong - natuloy ba ang pagka - OA ni Lina sa isyu?

Sagot - hindi dahil umani ito nang matinding pagbatikos sa social media at madlang people sa Philippines my Philippines.

‘Ano ang nangyari sa pagkasabik ni Lina sa controversial policies niya tungkol sa mga balikbayan boxes na buksan ang mga ito at buwisan?’ tanong ng kuwagong hinuhuthutan.

Sagot - pinatawag ni P. Noy para ipahinto ang utos?

Ika nga, wrong timing?

‘Mukhang hindi inisip ni Lina na 9 months at election na at sa gagawin niyang utos ay baka maglaglagan ang mga kandidato ng administrasyon sa ilalim ng partido Liberal.’ sabi ng kuwagong aswang.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, noong dekada 80 hindi pa mahal ang ‘air freight’ sa mga eroplano from Hong Kong, Taiwan, Bangkok, US of A at China at wala pa ring x-ray machine ang Bureau of Customs sa NAIA ay naisip ng mga sindikato na gamitin ang balikbayan boxes para lagyan ng mga baril at droga ito.

‘Nahuhuli ang iba pero ang iba ay nakakalusot noon sa airport pero dahil na rin sa coordination ng ibang bansa sa Philippines my Philippines unti-unti na silang nalalambat,’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pati postal office noon ay ginagamit ng mga sindikato para ilagay sa mga paketa ang mga piesa ng boga, droga at DVD.

‘Simula nang magkaroon ng x-ray machines ang BOC at nagmahal ang ‘air freight’ sa NAIA wala nang sindikatong nagbalak na magpalaman ng kanilang epektos dito dahil mahuhuli ito at sa port of origin pa lamang ay natiktikan na ito kaya pagdating sa port of destination o NAIA huli ito noon.’

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, walang puedeng dumating na epektos sa Bureau of Customs na hindi ipagpapaalam ng mga smuggler sa kasabwat nilang bugok dito dahil kung hindi gagawin ito ng huli siguradong mahuhuli ang kanilang shipments.

‘Kaya dapat ang lahat ng shipments na pumapasok ng Philippines my Philippines para hindi magkaroon ng pandaraya sa buwis dapat ipasok o idaan lahat sa x-ray machines ng BOC,’ sabi ng kuwagong binubukulan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, walang epek­tos na makakalusot sa bureau kung wala itong tiembre.

Bakit?

Sagot - mas mabagsik pa sa ‘trained dog’ ang mga ilong ng mga Kamote dito.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kahit hi-tech ang x-ray machines sa BOC pero kung ang mga nakatalaga dito ay tatanggap din ng salapi sa sindikato tiyak lusot din ang kargamento nila.

Abangan.

PNP - HPG subukan muna

HINDI dapat kontrahin ng ilang mga gagong kritiko ang pagtatalaga sa mga PNP - HPG na magmamano este mali magmamando pala ng traffic sa kahabaan ng EDSA dahil hindi birong trabaho ito para sa kanila.

‘Nakatingin sa kanila ang madlang people kung paano nilang magagawan ng paraan na maibsan ang traffic sa EDSA,’ sabi ng kuwagong haliparot.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ipatupad lamang ng PNP - HPG ang mando sa kanila tiyak titino ang mga abusadong bus drivers sa EDSA at alisin ang sagabal o obstructions dito.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, umaasa silang tatakbo ng maayos ang daloy ng trapiko sa EDSA oras na HPG ang makita dito.

Ika nga, disiplina lang ang kailangan!

Abangan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ASSET

AYON

BUREAU OF CUSTOMS

HINDI

ITO

KUWAGO

MGA

MISMO

ORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with