^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Tumaas ang krimen

Pilipino Star Ngayon

MISMONG sa Philippine National Police (PNP) nanggaling ang report na tumaas ng 46 per cent ang krimen sa bansa mula Enero hanggang Hunyo ng kasalukuyang taon. Mas malaki ito kumpara sa 37.3 percent na naitalang krimen noong 2014 sa kaparehong buwan. Ganunman, kahit na mismong sa PNP Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) nanggaling ang report, iginiit ng pamunuan ng PNP na nag-decrease ng 60 percent ang krimen particular na sa Metro Manila.

Ayon sa report, 885,45 krimen ang nangyari mula Enero hanggang Hunyo 2015, kumpara sa 603,085 krimen noong 2014 sa kaparehong buwan. Pinakamataas ang murder na nakapagtala ng 7,245 kaso mula sa dating 5.004 kaso noong nakaraan taon. Tumaas din ang panggagahasa, 8,288 kaso mula sa dating 5,069 kaso noong nakaraang taon.

Sabi naman ng PNP, lumang datos daw ang inilabas ng DIDM. Kahapon, ipinagmalaki rin ni DILG Sec. Mar Roxas na bumaba ang krimen sa Metro Manila. Nasa ilalim ni Roxas ang PNP. Namaalam na si Roxas sa DILG bilang paghahanda sa kandidatura sa 2016 elections. Inindorso siya ni President Aquino noong Hulyo 31 sa Club Filipino.

Ginawa ang report sa pagtaas ng krimen habang nasa masamang katayuan ang PNP dahil sa pagkakasangkot ni dating PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima sa maraming kontrobersiya. Nagbitiw si Purisima makaraan ang Mamasapano massacre. Nasira marahil ang direksiyon ng mga miyembro ng PNP dahil sa nangyari. Nangibabaw ang mga masasamang loob --- salakay ng riding-in-tandem, carjacking, drug syndicate at panghoholdap.

Ang pagtaas ng bilang ng krimen ay nakaatang sa balikat ni PNP chief Director General Ricardo Marquez. Dapat ipakita ni Marquez ang kahusa-yan para maputulan ng pangil at sungay ang mga criminal. Magagawa ito kung magkakaroon ng police visibility. Ilabas sa kalye ang mga pulis na nagpapalaki ng tiyan sa mga station. Kay Marquez na rin nanggaling na kapag may pulis sa kalye, magdadalawang-isip ang sinuman na gumawa ng krimen.

vuukle comment

ALAN PURISIMA

ANG

CLUB FILIPINO

DIRECTOR GENERAL RICARDO MARQUEZ

ENERO

HUNYO

INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT

KAY MARQUEZ

KRIMEN

METRO MANILA

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with