Fallen 44 DVD mabili
- Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - February 16, 2015 - 12:00am

MABILING-mabili raw o “selling like hotcakes” ang video ng karumaldumal na pagpaslang sa mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) Special Action Force o SAF sa Mamasapano, Maguindanao.

Ito ang mga video na pinagdududahan ang authenticity ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) chief negotiator Iqbal dahil puwede raw “retokado” para palabasing brutal ang MILF. Nasabi ko na sa nakaraang kolum na kung ang simpleng larawan ay puwedeng retokihin, hindi ang video na di puwedeng magsinungaling.

Sigurado, walang ibang kukuha para i-upload sa You Tube ang naturang video kundi yun  ding mga walang kaluluwang pumaslang sa mga kasapi ng SAF. At malamang, sila rin ang nag-mass produce ng mga video para ibenta. Alam niyo na – para kumuha ng pondo para sa kanilang operasyon.

Kaya payo sa mga kababayan natin, huwag tangkilikin ang mga illegal na produktong ito dahil para nating sinusustentuhan ang gawain ng mga terorista.

Noon pa man ay naibalita na ang pangunahing negosyo ng mga terorista ay ang manufacturing at pagbebenta ng mga pirated DVDs ng mga pelikula. Pati nga mga laban ng mga bantog na boksingero tulad ni Manny Pacquiao ay kinokopya rin sa DVD para ibenta sa mga malls.

Walang source of funding ang mga teroristang ito porke walang matinong tao ang kakatig sa kanilang walang katuturang ginagawa.

Sinasabi ng MILF na hindi sila mga terorista at hangad din nila ang pagtatamo ng kapayapaan sa Mindanao. Puwes, patunayan nila ang kanilang sinseridad. Tugisin at iharap sa hustisya ang mga may kagagawan ng malagim na insidente sa Mamasapano.

Kung ito’y mga tauhan nila, isuko nila ang mga ito sa pamahalaan dahil ang lupang kinaroroonan nila ay teritoryo ng Pilipinas at saklaw ng mga umiiral na batas ng ating bansa.

Hangga’t hindi napapatunayan ang sinseridad ng mga MILF, hindi dapat pagtibayin ang Bangsamoro Basic Law (BBL). Ngayon pa lang ay nagdududa na ang taumbayan na kung magkakaroonj ng kapangyarihan ang mga MILF, lalu pang lalawak ang ginagawa nilang pang-aabuso.

BANGSAMORO BASIC LAW MAMASAPANO MANNY PACQUIAO MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT PARA PHILIPPINE NATIONAL POLICE SPECIAL ACTION FORCE YOU TUBE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with