^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Malaki ang pag-asa

Pilipino Star Ngayon

SA mga surveys na isinasagawa tuwing ma­tatapos ang taon kung paano haharapin ng mamamayan ang panibagong taon, lagi nang ang sinasabi ng mga tinanong ay malaki ang kanilang pag-asa na magkakaroon nang pagbabago sa kanilang buhay. Malaki ang kanilang paniwala na uunlad ang kanilang buhay at mas maganda kaysa rati.

Kahit na sinagasaan ng kung anu-anong kala­midad ang bansa --- bagyo, baha, delubyo, lindol, sunog, pagputok ng bulkan at iba pang mapaminsalang kalamidad, nananatili pa ring malaki ang pag-asa at laging positibo ang mga Pilipino.

Kahanga-hanga at kagila-gilalas.Iyan ang sinabi ng mga foreign volunteer na nagtungo sa Tacloban City makaraang manalasa ang Super Typhoon Yolanda noong Disyembre 6, 2013. Sabi nila, sa kabila raw ng kalunus-lunos na sinapit ng mga taga-Tacloban at iba pang lugar sa Eastern Visayas, nakangiti pa rin ang mga tao roon na para bang balewala sa kanila ang sinapit. Bakas daw sa mga mukha ng mga biktima ng bagyo na mayroon silang malaking pag-asa. Hindi raw namamatay ang pag-asa sa kabila na sinira at tinangay ng bagyo ang kanilang tahanan at mga ari-arian. Mahigit 6,000 ang namatay sa Yolanda at mayroon pang nawawala.

Kamakailan lang, muling binayo ng Bagyong Ruby ang mga lugar na dinaanan ni Yolanda at marami rin ang napinsala. Ang mga bahay na katatayo pa lamang ay muling nawasak. Pero sabi ng mga biktima, muli nilang itatayo ang nawasak ni Ruby.

Malaki rin ang nakitang pag-asa sa mga biktima nang malakas na lindol sa Bohol noong Oktubre 15, 2013 na marami rin ang namatay at nagwasak sa maraming bahay, gusali at mga lumang simbahan. Sa kasalukuyan, unti-unti na silang nakababangon at naitatayo na ang mga nawasak na bahay. Naibabalik na rin sa ayos ang mga nasirang kalsada at naitatayo na ang mga nawasak na school. Bakas sa mukha ng mga taga-Bohol ang malaking pag-asa na muling maibabalik ang mga nadurog at nawasak. Hindi namamatay ang kanilang pag-asa kahit niyanig nang malakas na lindol.

Maraming humahanga sa mga Pinoy dahil hindi nawawalan nang pag-asa ano man ang dumating na trahedya. Hindi natitinag ng hangin, delubyo at  lindol. Positibo ang pananaw na malalampasan ang lahat.

ASA

BAGYONG RUBY

BOHOL

EASTERN VISAYAS

MALAKI

PAG

SUPER TYPHOON YOLANDA

TACLOBAN CITY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with