^

Matuwa ka! Sumasaiyo ang Panginoon!

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva (Pilipino Star Ngayon) - December 21, 2014 - 12:00am

MULA Disyembre 16 hanggang 24 ang Simbang Gabi (Misa de Gallo). Ito ang siyam na araw na paghahanda ng mga Kristiyano sa kaarawan ni Panginoong Hesus.

Napansin ni David na panatag siya sa kanyang tahanan at di ginagambala ng kaaway, subalit si Natan na taga-pangalaga ng Kaban ng Tipan ay sa tolda ang tahanan. Kaya sinabi ni Natan kay David dahil dito ay “isagawa mo ang iyong iniisip, sapagka’t ang Panginoon ay sumasaiyo.” Hindi na siya magpapastol ng tupa kundi gagawin siyang hari ng Israel at bibigyan siya ng lupa na doon maninirahan ang Panginoon. Walang gagambala sa kanila at patatatagin ang sambahayanan. “Pag-ibig mong walang maliw ay lagi kong sasambitin.”

Ang aral sa atin ni Pablo na purihin natin tuwina ang Diyos. Siya ang nagpapatibay sa atin ng Mabuting Balita tungkol kay Hesus na ipinangaral niya ang maraming hiwagang nalilihim sa loob ng mahabang panahon. Kaya purihin natin ang iisang Diyos sa pamamagitan ni Hesus.

Ang mga pahayag na ito sa lumang tipan ay pinagtibay ng ebanghelyo nina Mateo at Lukas na ipinadala ng Ama sa langit ang Kanyang bugtong na Anak sa sinapupunan ng isang pinagpalang babae. Sinugo ng Diyos ang anghel Gabriel sa Nazaret, Galilea. Itinakda nang ikasal si Maria kay Jose buhat sa lipi ni David. Sinabi sa dalaga: “Matuwa ka! Ikaw ay kalugod-lugod sa Diyos, Sumasaiyo ang Pa­nginoon.” Napaka-dakila ng Panginoon.  Ginamit Niya ang sinapupunan ng babaing Kanyang nilikha na walang bahid dungis ng kasalanan upang doon idaan ang pagiging tao ng anak Niyang si Jesus. Pinili rin Niya ang lipi o lahi ni David sa magiging asawa ng pinagpala Niyang dalaga, si Maria mula sa lahi ni Levi.

Ang plano ng Ama sa langit ay hindi nagagapi ninuman. Maging sa ating pansariling buhay ay may mga plano din ang Diyos. Kaya  tayo’y maging maka-Diyos, iwasan ang kasalanan at ito’y ganap na ipatutupad sa atin ang Panginoon. Bababa sa atin ang Espiritu Santo upang ipahayag din ang biyaya ng Ama. At tulad ni Maria ay masasabi natin: “Ako’y alipin ng Panginoon. Mangyari sa akin ang iyong sinabi.”

2Samuel 7:7, 8-11; Salmo 88; Rom16:25-27 at Lk1:26-38

* * *

Binabati ko ang pagdiriwang ng Pasko ng Santino Metals Inc. Bgy. Maharlika San Jose del Monte City, Bulacan

DIYOS ESPIRITU SANTO GINAMIT NIYA HESUS KANYANG KAYA MABUTING BALITA MAHARLIKA SAN JOSE PANGINOON
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with