^

Pangalan ng political party ni Binay ni-reject ng Comelec

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma (Pilipino Star Ngayon) - August 8, 2014 - 12:00am

ALAM n’yo bang tinanggi­han ng Comelec ang kahi-lingan ni Vice President Jojo Binay na gamitin ang pangalan ng isang political party?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay dating Agham Partylist Rep. Angelo Palmones, DPWH Usec. Romeo Momo, Bobby Tasic, Mayora Mary Abad ng Caranglan, Nueva Ecija, Dr. Benjamin Tayabas at Sis. Ellen Arevalo Alam n’yo bang may problema ngayon ang grupo ni Vice President Binay kung ano ang gagamiting political party sa kanyang kandidatura sa 2016 presidential elections?

Ayon sa aking bubwit, kaya pala hindi mailunsad ni Binay ang kanyang bagong political party (dapat noon pang June 12 ) ay dahil hin­di ito inaprubahan ng Comelec.

Ang gusto palang gamitin sana ni Binay na partido sa susunod na eleksiyon ay Laban Party. Subalit  tinanggihan naman ng Co­me­lec sapagkat meron nang partidong PDP-Laban nina Sen. Koko Pimentel.

Ayaw na sanang gamitin ni Binay ang United Nationalist Alliance (UNA) na political party dahil ang partidong natitira na lamang doon ay ang Partido ng Masang Pilipino ni Mayor Erap Estrada.

Ayon sa aking bubwit, gusto na ring kumalas ni Binay sa UNA dahil hindi na niya kukunin si Sen. Jinggoy Estrada na runningmate sa susunod na eleksiyon.

Dahil wala nang parti­do si Binay, nagbabalak umano itong bumalik sa PDP-LABAN.

 

AGHAM PARTYLIST REP ANGELO PALMONES AYON BINAY BOBBY TASIC COMELEC DR. BENJAMIN TAYABAS ELLEN AREVALO ALAM JINGGOY ESTRADA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with