^

PSN Opinyon

Criminal justice system

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MARAMI sa mga nagkokomento at “nagkikiyaw-kiyaw” sa criminal justice system, walang ideya at wala talagang alam.

Mapa-ehekutibo, lehislatura, ilang personalidad at taumbayan, kapag mabagal ang usad ng kaso o di naman kaya nababasura, ang laging sinisisi ay korte.

Anumang uri ng kaso, nagsisimula lahat sa mga law enforcement agency.  Kaya kung sa umpisa pa lang, palpak, burara at tamad ang mga awtoridad na nag-imbestiga, kulang-kulang sa pagkalap ng mga ebidensiya, pagdating ng kaso sa hukuman, “basura.”

Dumadami lang ang mga kasong nasasampa ng mabilis at napapabayaan. Ang nangyayari, “garbage in, garbage out”.

Masakit mang sabihin, marami sa mga alagad ng batas, wala talagang alam sa pag-iimbestiga. Walang due diligence o pursigidong imbestigasyon at pagkalap ng mga impormasyon para i-build up ang isang kaso.

Kaya kung anuman ang “basurang” ginawa nila laban sa mga naarestong suspek, ito rin ang maipapasa nila sa mga piskal. Kung nagkataon pang isa ring pulpol at tamad ang piskal na humawak sa kaso, pagdating sa korte, talagang mababasura lang.

Hindi ko dinidiskuwento, marami pa ring piskal na magagaling at matatalino.

Nitong mga nakaraang araw, sinabi ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na  kinakapos ang bansa ng mga public prosecutor na nagiging sanhi ng mabagal na prosekyusyon. Ang problema, kulang na nga ang bansa ng mga matitinong piskal, nagkalat pa ang mga tiwali at nababayaran.  

 

Kung sa umpisa pa lang, may maayos nang pag-aresto at pagkalap ng mga ebidensya ang mga law enforcement agency, may maayos na prosekyusyon sa piskalya, pagdating sa dulo, siguradong may conviction o may makukulong sa bilangguan.

 

Ito ang hindi alam nang marami na nagbubunton lagi ng sisi sa korte kapag hindi umuusad ang kaso sa hukuman.

 

vuukle comment

ANUMANG

CHIEF JUSTICE MARIA LOURDES SERENO

DUMADAMI

KASO

KAYA

MAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with