^

PSN Opinyon

Kandidato sa pagka-kongresista sa Metro Manila, may kasong rape

SABI NI BUBWIT... - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang may kasong rape ang isang kandidato sa pagka-kongresista sa Metro Manila?

Ayon sa aking bubwit, isang menor de edad ang ni-rape ng isang kandidato ngayon sa pagka-kongresista. Wow, ganitong klase na ba ngayon ang mga taong kumakandidato para maging miyembro ng Kamara de Representantes?

Baka naman idol niya si dating Congressman Romeo Jalosjos na na-convict at nakulong noon dahil sa kasong statutory rape.

Ayon sa aking bubwit, daisy-sais anyos pa lamang noon ang biktima nang gahasain ni congressional candidate. Ang suspect ay barangay kapitan noon sa kanilang lugar.

Ang biktima at kanyang pinsan ay hinuli ng ilang ba­rangay tanod dahil sa kasong bagansiya. Dinala ang dalawa sa barangay hall. Subalit sa halip na sila ay pangaralan, pinainom pa sila ng alak.

Matapos painumin ang mga dalagita, natipuhan ni Barangay Kapitan ang menor de edad na si Daisy. Dinala ito sa kuwarto at doon inabuso. Pagkatapos gamitin ni Kapitan ang bata, dinala naman ito ng kanyang tiyuhin sa motel at doon naman inabuso. Wow ang lupit n’yo Kapitan.

Ayon sa aking bubwit, nagsampa ng kaso si Daisy laban kay Bgy. Kapitan subalit sa hindi malamang dahilan ay na-dismiss.

Ang masaklap na sitwasyon, makalipas ang tatlong taon, ang dating barangay kapitan na gumahasa kay Daisy ay nanga­ngampanya pa ngayon sa kanilang lugar bilang kandidato sa pagka-congressman.

Ang kandidato sa pagka-kongresista sa northern­ part ng Metro Manila na may kasong rape ay walang iba kundi si Congressional candidate M. as in Manyakis.

vuukle comment

AYON

BARANGAY KAPITAN

BGY

CONGRESSMAN ROMEO JALOSJOS

DINALA

KAMARA

KAPITAN

MANYAKIS

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with