^

PSN Opinyon

Magandang actress, hindi na dinadalaw ng siyotang negosyante

SABI NI BUBWIT... - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang hindi na dinadalaw ng isang negosyante ang kanyang siyotang actress?

Ayon sa aking bubwit, mukhang pinagsawaan na ni Mr. Businessman ang nasabing artista dahil hindi na ito pumapasyal sa kanyang bahay. Actually, si lover boy-businessman din ang bumili ng bahay para kay actress dahil sa sobrang pagmamahal niya rito. Kaya lang, kahit bigay todo si Sir sa luho, si  actress naman ay nakikipag-relasyon pa rin sa ibang lalaki.

Bagamat hindi naman seryoso si actress sa kanyang nagiging karelasyon, nababalita pa rin naman ang kanyang mga one night stand affair.

Meron na rin kasing anak si Mr. Businessman sa actress kaya hindi niya ito tuluyang mahiwalayan. At hindi na  rin niya mabawi ang mga naibigay kay actress.

Ano pa ba naman ang hahanapin ni actress? Binigyan na siya ng magandang bahay sa Dasmariñas Village, Makati City. Binigyan pa siya ng mga magagarang kotse tulad ng Jaguar, BMW at Mercedes Benz.

At meron pang mga tatlong bodyguards. Ito naman ang hindi nagugustuhan ni actress sapagkat may mga nagsusumbong sa kanyang Papa.

Ayon pa sa aking bubwit, dahil nali-linked pa rin si actress sa iba’t ibang lalaki, binawasan na ni Sir ang allowance nito. At dahil kulang na ang sustento, siya ay napilitang magbalik-showbiz.

Ang maganda at mestisang actress-model na hindi na dinadalaw ng kanyang siyotang negosyante ay si actress B.G. as in Babaing Gala.

vuukle comment

ACTRESS

ANO

AYON

BABAING GALA

BINIGYAN

MAKATI CITY

MERCEDES BENZ

MR. BUSINESSMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with