“Pinalapa sa mga alaga”
- Tony Calvento (Pilipino Star Ngayon) - February 11, 2013 - 12:00am

ANG HAPLOS NAGIGING HIPO, ang halik nalalawayan nang nasa, at tuwing nangyayari ito, nguso ng baril ang naka dampi sa ulo niya.

Ganito umano ang sitwasyong kinalagyan ng dose anyos na si “Nicole”(hindi tunay na pangalan) ng Calubian, Leyte sa kamay ng kapitan ng kanilang baryo at amo ng kanyang ama sa bukid na si Fernando “Nanding” Halichic—58 na taong gulang.

 Hunyo 2012 nung biglang pasukin ni Nanding si Nicole sa loob ng kuwarto ng kanilang kubo. Nilabas nito ang kanyang baril at tinutok sa ulo ni Nicole kaya’t hindi siya makasigaw.

“Maghubad ka kung ayaw mong pasabugin ko ulo mo!,” kontrolado ang  lakas ng boses na sinabi ni Nanding.

Sa lamig ng baril sa kanyang balat, nanginginig at sisinghap-singhap na sinimulan niyang tanggalin ang lahat ng kanyang suot.

Pinahiga siya at pinatungan ni Nanding. Halos bumaon ang marka ng papag sa likod ni Nicole habang ginagahasa siya. Parang sugat na nagliliyab sa hapdi ang kanyang ari habang nararamdaman ang pagkatas ng dugo dito.

Hindi umano natapos ang kamanyakan ng kapitan dahil nasundan pa ito. Isang beses, inaya si Nicole ni Nanding dahil birthday daw niya.

“Nicole, punta ka bukas birthday ko, magsama ka ng kaklase para payagan ka. May handa akong litson,” anyaya umano ni Nanding.

Nung sumunod na araw pumunta nga si Nicole doon kasama ang kaklaseng si “Reah”(hindi tunay na pangalan)—12 anyos.

Pagdating doon, takang-taka si Nicole dahil wala namang selebrasyon. Walang pagkain. ‘Yun pala, siya ang “handa” ni kapitan para ipalapa sa kanyang mga alagang asong sina Bugoy at Alfredo.

Pinapunta ni Nanding si Nicole sa kubo kung saan nandoon sina Bugoy at Alfredo. Pinaiwan ni Nanding si Reah. Inakbayan ito ni Nanding at hinimas ang likod nito. Tinindigan ng balahibo si Reah, pakiramdam niya limang malalaking higad ang mga daliri ni Nanding.

“Reah, katilaw ka na ba og jer-jer? (Reah, nakatikim ka na ba ng sex?”),” tanong umano ni Nanding.

“Hindi pa ‘tay!” nangingilabot na sagot ni Reah kaya’t tinapik niya si Nanding at hinanap si Nicole.

“Wag kang magsusumbong. Sikreto lang natin ‘to,”sabi ni Nanding.

Sinipat niya ang isang kubo at ilang metro pa lang, natanawan niya sa bintana si Bugoy na nakahubad at pawis na pawis.

Nanlaki ang  kanyang mga  mata dahil nakita niyang nakapatong si Bugoy sa hubad na si Nicole. Habang si Alfredo ay nanonood lamang. Nung makarating si Reah sa kubo, nakita niyang pinagbihis na ni Bugoy si Nicole.

 Hinang-hinang lumalabas mula sa pinto si Nicole kasunod ang dalawa.

Pagkakita ni Nicole kay Reah inaya na niya itong bumalik sa eskwelahan. Habang naglalakad hindi mapakali si Reah kaya’t binukas niya ang  usapan tungkol sa kanyang nakita.

“Hala ka Nicole, nakit’an taka na ay gebuhat nimo ni Bugoy (nakita kita may ginagawa sa iyo si Bugoy),” sabi ni Reah.

Umiwas si Nicole na sagutin ito. Hindi matahimik si Reah kaya’t sumangguni sa kanilang gurong si Mrs. Thelma delos Santos.

Sa tulong ni Mrs. delos Santos, naipaalam sa pamilya ni Nicole ang nangyari base sa kuwento ni Reah. Kinausap ng magkakapatid si Nicole at takot na takot na umamin ito sa nangyari.

Nagsampa sila ng reklamo sa Women’s Desk ng PNP Calubian, Leyte at ito’y dinala sa MSWD upang mabigyan si Nicole ng proteksyon. Pumirma sila ng “voluntary commitment order” para si Nicole ay manatili sa pangangalaga ng MSWD. Bunga ito ng balita na inaareglo ang ama ni Nicole na nakakulong ngayon para sa isang dating kaso. Pinapipirma siya sa blangkong papel bilang kapalit umano ng 80,000Php.

Ang MSWD na ang siyang nagsampa ng reklamo sa “prosecutor’s office” na ngayon ay hawak na ni Prosec. Junery Bagunas. Sa kasong rape ang estado ang  nagdedemanda sa kapitan na ito, kaya “People of the Philippines” ang  nakasulat na ‘complainant’. Si Nicole ang tatayong testigo na siya’y biktima, at isasalaysay niya kung paano nangyari ang lahat.

Hinihingi nila ng tulong na mapabilis ang kaso proseso ng kaso kaya’t nakipag-ugnayan kami sa DOJAC. Lumiham sila(DOJAC) sa prosecutor’s office ng Leyte upang malaman ang  dahilan ng antala sa pagdinig at paglabas ng resolusyon.

Itinampok namin sa CALVENTO FILES sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (tuwing 3:00 ng hapon) ang nangyaring ito kay Nicole.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, ang pagtutok pa lang ng baril, napakalaking pinsala na sa kamalayan ng bata. Ito’y dadalahin niya hangggang paglaki at kung hindi matutulungan ng isang psychologist ay maaaring maging isang matinding trauma na magreresulta sa iba’t ibang komplikasyon sa kanyang buhay. Masahol pa sa hayop itong si kapitan! Hindi siya nakuntento sa panggagahasa at pinasawsaw pa ang dalawa niyang tauhan. Napag-alaman namin na nagpalit ng prosecutor kaya’t natagalan ang resulta ng resolusyon ng kaso. Rape in relation to R.A. 7610 o Child Abuse ang kinakaharap na kaso ngayon ni Nanding, Alfredo at Bugoy. Sa medical examination report, positibong nagalaw nga ang bata. Ayon sa text message ni Fe, “Complete laceration at 5 o’clock position, healed” ang resulta. Halos apat na buwan pa ang lumipas bago napatignan sa medico legal si Nicole, kaya naghilom na ang sugat sa kanyang ari. Hindi absuwelto si Nanding dito kahit si Alfredo at Bugoy lang ang nakita sa akto dahil may anggulo pa rin ng sabwatan(“the act of one is the act of all”). Tinawagan namin ang MSWD Leyte at nakausap ang social worker na si Ms. Delia Aguirre. Kinumpirma niya ang tungkol sa kaso Nicole at hinihintay na lang daw ang resolusyon ni Prosecutor Bagunas. Kuwento ni Fe, pinagbantaan sila ni Nanding na papatayin kung hindi iuurong ang kaso. Kaya’t nakipag-ugnayan kami sa DILG(Branggay Action Center) para masuspindi sa kanyang puwesto si Nanding. Upang hindi niya magamit ang kanyang katungkulan sa pananakot at pang-iimpluwensya ng resulta ng “preliminary investigation”.

 (KINALAP NI PAULINE VENTURA) Sa gustong dumulog ang  aming numero ay 09213263166 o 09198972854 o 09213784393 . Ang  landline, 6387285/7 hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor City State Center Blg. Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Sabado.

Follow us on twitter: Email: tocal13@yahoo.com

ALFREDO BUGOY KANYANG NANDING NICOLE NIYA REAH
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with