^

Metro

3 senior galing lamayan, patay sa road mishap; 2 pa kritikal

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaglalamayan na rin ngayon ang tatlong senior citizen na galing sa lamayan habang da­lawa pa ang malubhang nasugatan nang sumalpok sa concrete barrier ang kanilang sinasak­yang kotse sa Luisiana, Laguna nitong Linggo.

Sa ulat sa Camp Crame, mula kay PMajor Glenn Cuevas, hepe ng Luisiana police, dead-on-arrival sa Luisiana District Hospital ang 65-anyos na babae at isang 70-anyos na lalaki habang ang kaanak na 60-anyos na babaeng driver ng Toyota Wigo, ay nalagutan din ng hininga sa Laguna Provincial Hospital.

Nagtamo ng matin­ding pinsala sa ulo at katawan ang tatlong ­senior citizen habang kritikal ang kondisyon sa ospital ng dalawa pang kaanak.

Naganap ang aksidente dakong alas-6:00 ng gabi sa national road na patungo sa Lucban, Quezon habang sakay ang mga biktima sa pulang Toyota WiGo (KLB 412). Pauwi na sila sa Rizal mula sa lamay sa Bicol nang mawala umano sa linya ng kalsada ang sinasakyang kotse at malakas na sumalpok sa isang konkretong harang sa daan.

vuukle comment

LAGUNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with