Barko inatake ng Houthi rebels, 23 Pinoy ligtas
MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ng Department of Migrant Workers (DMW) na nasa ligtas na kalagayan at hindi nasaktan ang 23 tripulanteng Pinoy ng barkong inatake ng grupo ng mga rebeldeng Houthi sa Yemen.
Sinabi ng DMW na ang barko lamang ang nagkaroon ng kaunting pinsala sa nasabing pag-atake subalit patuloy pa rin ito sa paglalakbay.
“Their vessel which sustained slight damage was sailing close to the Yemeni port city of Hodeida when it was attacked. The vessel is continuing on its journey to its next port of call,” ayon sa DMW.
Inulat ng Reuters, na nitong Sabado ay tinarget ng isang anti-ship missile ang M/T Wind - isang oil tanker na may bandilang Panamanian at pag-aari ng Greek , sa layong 10 nautical miles sa southwest ng Yemen,.
Dahilan upang pasukin ng tubig at ikasira ng propulsion at steering ng barko, na nagawang maibalik ng mga crew ang power kaya patuloy sa paglayag.
Ang Houthi ay kaisa ng mga Palestinian sa gitna ng digmaan ng Israel sa Hamas, sa Gaza.
- Latest