Hatol na kulong sa lalaking nag-post ng nude photo ng ex-GF sa FB kinatigan ng SC
MANILA, Philippines — Pinagtibay ng Korte Suprema ang naging hatol ng korte na kulong sa isang lalaki na nag-post ng hubad na larawan ng kaniyang ex-girlfriend na tumangging makipagbalikan sa kaniya, at hiningian ng pera kapalit ng pangako na tatanggalin ito sa Facebook.
Sa inilabas na desisyon ng Supreme Court nitong Sabado, Mayo 18, 2024, nagpasiya ang SC Second Division, sa ponente ni Associate Justice Amy Lazaro-Javier, kinatigan nito ang hatol ni Axel Tria sa robbery with violence against or intimidation of persons na mabilanggo ng 6 hanggang 14 years.
Si Tria ay dating nobyo ng biktima na naging seloso dahilan upang ibigay ng huli ang password sa Facebook account nito upang mapayapa.
Nagbanta pa si Tria na ia-upload ang sex video nila at larawan sa FB kaya sinubukan na makipagkalas na lamang ang ex-GF subalit naglabas ng baril si Tria at ipinakitang nasa kaniya ang mga larawan at sex video nila.
Sa una ay pumayag pa si Tria na ide-delete na niya ang mga nai-post sa FB subalit kapalit ang P55,000.00.Nang hindi magbayad ang ex-GF ay hinack umano ni Tria ang business Facebook page nito pinalitan ng username at password .
Ilang araw ang nakalipas nang isumbong ng kapatid na nakita niya ang half-naked na larawan ng ni ex-GF at isa pang hubad na larawan ng babae na ipinatong ang mukha (superimposed) ng ex-GF .Nang sitahin si Tria ay nagsabi na magbigay siya ng hinihinging halaga upang tanggalin niya, na tinawaran naman ni ex-GF ng P20,000.
Sa pakikipagkita kay Tria, kasama ng ex-GF ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Anti-Cybercrime Group kaya naaresto siya sa entrapment operation.
Una nang kinasuhan ng robbery at online libel sa magkahiwalay na information subalit nagdesisyon ang Regional Trial Court na guilty lamang siya sa robbery at abswelto naman sa online libel dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensya. Ang desisyon ay pinaburan ng Court of Appeals.
Nang umakyat sa SC, kinatigan na ang naging hatol ng mababang korte at CA.
“Her compromising photos damaged and continued to damage her family life, reputation, and online business; thus, she felt she had no hoice but to accede to Tria’s demands,” ayon sa SC.
Dahil sa ang krimen ay ginawa gamit ang communication technologies, ang imposable penalty sa ilalim ng Revised Penal Code ay itinaas ng one degree, alinsunod sa Section 6 ng Republic Act No. 10175, or the Cybercrime Prevention Act.
- Latest