^

Metro

P74.7 milyong jackpot sa lotto, napanalunan ng Caviteño

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inanunsiyo ng Philip­pine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na isang Ca­viteño ang pinalad na magwagi ng P74.7 mil­yong jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola kamakalawa ng gabi.

Ayon sa PCSO,  nahulaan ng mapalad na mananaya ang winning combination na 11-23-05-22-24-03 kaya’t naiuwi niya ang katumbas nitong jackpot prize na tumataginting na P74,759,118.80.

Nabili umano ng lucky winner ang kanyang lucky ticket sa Dasmariñas City.

Pinayuhan naman ni PCSO General Ma­nager Mel Robles ang lucky winner na upang makubra ang kanyang premyo ay magtungo lamang sa kanilang punong tanggapan.

Kailangan din umano nitong iprisinta ang kanyang winning ticket at dalawang balidong go­vernment IDs.

Ang Lotto 6/42 ay binobola ng PCSO tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

vuukle comment

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with