^

Metro

Mga miyembro ng transport coop sa Caloocan, makatatanggap ng dagdag suporta sa LTFRB

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Makatatanggap ng dagdag kita ang mga jeepney driver na miyembro ng koope­ratiba sa lungsod ng Caloocan.

Ito ang tiniyak ni Caloocan City Mayor Along Malapitan kasabay ng paglagda sa Memorandum of Agreement para sa Service Contracting Program katuwang ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) National Capital Region.

Kasama si LTFRB NCR Regional Director Atty. Zona Russet Tamayo, sinabi ni Malapitan na hindi nila pababayaan ang mga transport coop na sumusunod at hindi sakit ng ulo sa admi­nistrasyon.

Nabatid na sa ilalim ng kasunduan, lahat ng mga miyembro ng mga kooperatiba ay makatatanggap ng karagdagang ?20 sa bawat kilometro na tatakbuhin ng kanilang jeep na alinsunod sa kanilang ruta o linya.

Paliwanag ni Malapitan, sa isang araw ay umaabot sa 100 hanggang 120 kilometro ang tinatakbo ng isang jeep kaya kung susumahin, karagdagang ?2,000 hanggang ?2,400 kita ito para sa kanila sa bawat araw.

Kasabay nito, pina­ngunahan ng alkalde ang panunumpa sa katungkulan ng samahang North Caloocan Transportation Federation na binubuo ng mga presidente ng iba’t ibang JODA sa Caloocan.

Tiniyak naman ng LGU ang patuloy na suporta ng kasama ang Public Safety and Traffic Management Department sa naturang sektor.

vuukle comment

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with