^

Metro

LTO, nag-inspeksyon sa Plate Making Plant

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
LTO, nag-inspeksyon sa Plate Making Plant
Ayon kay Atty. Vigor D. Mendoza, regular umano itong ginagawa upang masi­guro ang kalidad at kahusayan ng paggawa ng mga plaka, pati na rin ang kaligtasan ng kanilang mga tauhan.
Philstar.com / Irish Lising, file

MANILA, Philippines — Nagsagawa ng inspeksiyon  si Land Transportation Office Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II sa Plate Making Plant (PMP) ng ahensya kahapon.

Ayon kay Mendoza, regular umano itong ginagawa upang masi­guro ang kalidad at kahusayan ng paggawa ng mga plaka, pati na rin ang kaligtasan ng kanilang mga tauhan.

Bahagi rin ng hakbang na ito ang gampanin at pagsusumikap ng Land Transportation Office na matugunan ang kasalukuyang backlog sa produksyon ng mga plaka.

Kung maaalala, una nang inilahad at siniguro ni Mendoza na wala na umanong magi­ging backlog sa license card at plaka ng mga sasakyan pagsapit ng unang araw sa Buwan ng Hulyo.

Ang hakbang na ito ay bahagi raw ng pagsusumikap ng ahensya na mapabuti ang serbisyo sa publiko habang inaasahan naman na magtutuloy-tuloy na ang operasyon sa Plate Making Plant ng Land Transportation Office.

vuukle comment

LTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with