^

Metro

Bebot niratrat ng tandem sa ‘love triangle’

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Bebot niratrat ng tandem sa �love triangle�
Kinilala lang pulisya ang biktima sa alyas na “Marites”, nasa hustong gulang, at residente ng Brgy Esperanza Ilaya, Alfonso, Cavite.
Image by Rudy and Peter Skitterians from Pixabayc

MANILA, Philippines — Inoobserbahan sa pagamutan ang isang babae matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa mismong tapat ng kanyang bahay, kamakalawa sa Alfonso, Cavite.

Kinilala lang pulisya ang biktima sa alyas na “Marites”, nasa hustong gulang, at residente ng Brgy Esperanza Ilaya, Alfonso, Cavite.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-10:55 ng umaga nang maganap ang insidente, nasa labas umano ng bahay nito ang biktima nang dumating ang isang motorsiklo sakay ang dalawang lalaki.

Bumaba sa motorsiklo ang isa sa mga suspek at lumapit sa biktima at agad na pinagbabaril.

Kahit na may tama ay nakatakbo pa rin ang biktima papasok sa kaniyang bahay habang mabilis ma tumakas ang mga suspek sakay ng kulay asul na Honda Click motorcycle.

Nakaitim na helmet umano ang driver na suspek habang purple long sleeve na may hood ang angkas nito.

Love triangle ang anggulo ng pulisya hinggil sa insidente na hindi pa idinetalye.

vuukle comment

MARITES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with