^

Metro

500 pulis-pasaway, sinibak ng NCRPO

Ludy Bermudo, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
500 pulis-pasaway, sinibak ng NCRPO
Sa idinaos na buwanang forum ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) sa Harbour View Restaurant nitong Lunes, sinabi ni Nartatez na patuloy lang ang ginagawang decommission sa mga nakagagawa ng kalokohan.
Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Nasa 500 erring cops sa Metro Manila kabilang ang isang colonel ang natanggal sa serbisyo simula nang maupo si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Police Major General Jose Melencio Nartatez Jr..

Sa idinaos na buwanang forum ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) sa Harbour View Restaurant nitong Lunes, sinabi ni Nartatez na patuloy lang ang ginagawang decommission sa mga nakagagawa ng kalokohan.

Ayon kay Nartatez, dumadaan sa due process ang mga pulis na may pagkakamali kaya’t ang iba ay napapatawan lamang ng suspension, demotion at sa mabigat na pagkakamali ay nauuwi sa dismissal at forfeiture of benefits.

Kabilang sa mga natanggal sa serbisyo ang mga nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga. Buwanan, aniya, ang pagsasagawa ng NCRPO ng random drug tests sa mga pulis na nakatalaga sa National Capital Region (NCR).

Sa kabila nito, nilinaw ni Nartatez, na 5% lamang sa kabuuang bilang ng mga pulis sa bansa ang nakagagawa ng kamalian at napapatawan ng kaukulang parusa.

“It is unfair for the 95 percent who are doing good,” ani Nartatez.

Samantala, ipinaliwanag ni Nartatez na hindi naman literal na hindi na makagagamit ng cellphone ang mga pulis na naka-duty.

Ang ipinagbabawal aniya, ay ang mga pulis na nagti-Tiktok, naglalaro ng games at online gambling, nakikipag-chat o nakikipagkuwentuhan lamang. Kailangan aniya ng mga pulis ang komunikasyon sa kanilang trabaho.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with