2,315 batang lansangan na-rescue ng MPD
MANILA, Philippines — Nasa 2,315 mga menor-de-edad na nakatira sa lansangan ang nasagip ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa mga operasyong isinagawa mula Marso 1 hanggang Abril 5, 2024.
Sinabi ni MPD Director P/Brig. General Thomas Ibay na bahagi ito sa pagpapaigting ng security coverage sa lungsod ang hakbang.
Isang “responsive at holistic approach” umano ang kanilang ipinatutupad sa anti-terrorism at anti-crime strategy para maiwasan, makontrol at masugpo ang mga krimen, kabilang na rin ang pagtiyak sa kaligtasan ng publiko.
Maayos nanamang nai-turn over ang mga menor-de-edad sa kustodiya ng Barangay, Reception and Action Center ng Manila District Social Welfare.
Ang kanilang mga magulang, tagapag-alaga o pinakamalapit na kamag-anak ay isinailalim sa wastong pagpapayo upang matugunan at maunawaan ang dahilan ng pamamalagi sa kalye ang mga kabataan.
Tinalakay din ang mg angkop na pag-aksyon para makabuo ng isang pangmatagalang solusyon.
- Latest